Ang Marijuana, si Isagani X at ang Cancer

*Ang entry na ito ay housewarming gift ko kay Isagani X para sa bago niyang bahay.

 

Namiss ko ang nakakalerky at makabuhol utak na Ethical Issue ni Isagani X. Dahil siya ay nagbabalik at may bago na siyang bahay at hindi niya ako kinalimutan sa kanyang regular programming at dahil balak kong maging ina balang-araw at dahil na din wala akong maisipang entry ngayon nagising ang aking kamalayan kaya heto at join ako sa Ethical Issue chovarloo na itech.

 

ETHICAL ISSUE #005:JOY FROM MARIJUANA VS. PAIN BROUGHT BY CANCER

Kung nanghihina ka na dahil sa cancer, at ang makatutulong sa iyo ay ang marijuana (mapapaligaya ka, hindi mo mapapansin ang pagod, at mararamdaman ang matinding sakit dulot ng chemotherapy). Gayumpaman, sa paggamit ng marijuana malaki ang tyansang hindi mo maalala ang mga bagay bagay gaya na lamang ng mga “moments” ng paglalaro ng iyong mga anak. Alin ang mga sumusunod ang iyong mas pipiliin?

a. magmamarijuana, dahil ayokong makita ng mga anak ko ang aking kalagayan na malungkot, na pagod, at nararamdam ng matinding sakit.

b. hindi magmamarijuana, nang sa gayon, makikita ko ang kanilang paglaki, pagkilos, paglalaro kahit na ako ay manghihina

Alin nga ba ang mas masakit? Ang kaawaan ka, o, ang kaawaan mo ang iyong mga anak sa mga posibleng maganap?

Read the rest of this entry »

Written at October 17th, 2007 in my five-pesos worth, prenships, tags | meme | 8 Comments »