Happy New Year dearies!
Oha! May post ako sa unang araw ng 2010. Baka sakaling sipagan akong magblog at bahain ng entries ang blogtsina kong itech. Kumusta naman ang mga New Year niyo dearies? Sampu pa ba ang mga daliri niyo diyan?
Bagong taon bagong simula and hopefully maging ka-hopeful-hopeful ang buhay ko this year. Wit na ang New Years resolution this time around dahil ayon sa trivia ni Kuya Kim, 90% ng New Year’s Resolution sa buong mundo ay hindi natutupad.
I can feel it in my bones the super-duper-mega-overly-death-defying positive energy na sinasalubong ako ngayong 2010. At hinahawahan ko kayo mga dearies.







