I am Anne Cortez

Posted on May 19th, 2009

anne curtis

Paano kaya kung naging kamukha ko si Anne Curtis? Kailangan ko pa din kayang pandilatan ang mga sekyu sa mga poshy na malls para lang i-greet nila ako ng “Good morning/afternoon mam! Welkam to our very poshy mall!” Kewl. At kung kamukha ako ni Anne Curtis lagi akong naka-two-piece pag magma-mall. Wahahahaha!

Tags:
Filed under: wala lang | No Comments »

KUTO

Posted on April 12th, 2009

Biglang-bigla guso kong MAGKA-KUTO. Oo MAGKA-KUTO. Yung insekong namamahay sa ulo na pag daw hindi nasugpo ililipad ka sa Mars. Echos ko lang yung Mars. Pero guso ko talaga MAGKA-KUTO. Wala lang, gusto ko lang talaga MAGKA-KUTO.

*ang ganitong entry ay palatandaan na talagang wala akong mai-blog pero kailangang mag-blog para sa naghihingalong kumikitang kabuhayan. peace out!

Filed under: wala lang | No Comments »

Seriously

Posted on March 2nd, 2009

Seriously.

Kailan pa naging kasalanan ang pag-utot ng malakas at mabaho? Utot na mahina lang ba ang may karapatan maging mabaho?

Seriously.

Filed under: wala lang | 1 Comment »

walang direksiyon

Posted on September 24th, 2008

Eeeekkkkk!!!! This is an update!!! *kumulog, kumidlat, at nagtsunami*

Hay naku tapos na ang pagluluksa ko sa kung anik-anik. Nairaos ko na ang dapat mairaos at kailangan na magpatuloy ng diva. hindi naman umiinog lang ang mundo sa’kin no at tama na ang mga kung ano-anong ka-chorvahan, ka-chenielloohan at ka-ekeklavuhan. Pero naisip ko ilang beses ko na din nabitawan ang ganitong litanya. Nakakatawa talaga ako paulit-ulit na redundant. who cares.

Back to PR setlog nga pala itong blogtsina ko. Ewan ko ba sa gugel na yan. Bad news yun pero ok lang. Pagkakataon ko na din siguro para iupdate itong blog na ito tungkol sa mga makabuluhang bagay kagaya ng kung paano ko papaslangin ang mga mapanalanta sa diskarteng blogger. Nyahahaha! Isyu. Ching lang yun. I am pro WORLD PEACE kaya nagmamasteral ako sa course na DEADMATOLOGY 101.

Ayoko na magpromise baka makarma na naman ako sa lintek na pangakong hindi ko natutupad, tumibay ang paniniwala ko sa karma mula ng mag-plurk ako. Wahahaha! Langyang update to walang direksiyon parang buhay ko 3 years ago. May ganun? Lols.

Filed under: jojitahness, wala lang | No Comments »

ewan ko ba

Posted on September 20th, 2008

Dalawang araw ako hindi pumasok at dalawang araw ko lang pinagmasdan ang kagandahan ng blogtsina ko. Oo napansin ko maganda siya wag ka ng kumontra. Maganda siya kasing ganda ko. Malapit na kasi ang anniversary ng dot com na ito at pinipilit kong magemote parang yung napapanood ko sa tv. Ewan ko ba para talagang naging baby ko na itong balaytsina ko.

After almost a year, I’m a one proud mama. Awww… Hindi muna ako magdadrama ngayon reserve ko sa totoong anniversary parang ampangit naman na hindi na naman ako sasakto sayang ang bandwidth.

O siya nag-update lang para naman masabing nag-update. Antamlay ko. Ewan ko ba.

Filed under: jojitahness, wala lang | 4 Comments »

stockings chever

Posted on August 28th, 2008

Today si super chorva-chorva tiring day, pero keri na kesa naman super bored ako no. Mas na-ste-stress kaya ako pag ganun at tsaka feeling ko napapagod ako ng walang kadahi-dahilan, parang nag-aksaya ako ng energy na wala namang kinapuntahan. Ganun. Pero hindi ako ulirang empleyado ha! Nagkataon lang na ilang linggo halos walang ginagawa kundi ang makipagtsismisan, hinanap-hanap din naman ng katawan ko ang sandamakmak na dokumentong kailangan orasyunan.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagtatrabaho ako bilang isang napakagandang opisinayista [nagtatrabaho sa opisina], feeling ko kasi noon hindi bagay sa akin ang nag-oopisina dahil pakiramdam ko mapipilitan akong mag-stockings. Hindi naman sa ayaw kong mag-stockings, ang totoo gusto ko nga ang pakiramdam ng may stockings bukod sa nakakaiwas daw yun sa varicose veins at naitatago ang mapa-mapa mong peklat sa legs. Ang ayoko lang yung feeling ng conciousness [at kahihiyan na din] na dulot ng mga sumusunod: (1) magka-run yung stockings habang pakendeng-kendeng ka sa kalsada (2) pag-gogoma ng stockings sa hita na parang medyas na lawlaw (3) o kaya naman itupi ang dulo at lagyan ng coins pang lock kagaya sa nakikita ko sa teacher ko ng elementary.

Hindi ko pa kasi maassociate ang stocking sa glamour noon dahil na din siguro nakikita ko din siyang ginagamit sa bank robbery sa pinoy action movies noon. Hindi ba traumatic naman yung ma-imagine mong kamukha ng hita mo yung mukha ng mga goons. Ewww. Buti na lang hindi na ang pag-iistocking ang simbolo ng pag-oopisina ngayon kundi malamang nagtatanim na lang ako ng ampalaya sa bakuran naming sementado.

Filed under: jojitahness, wala lang | 4 Comments »

talikodgenic

Posted on June 10th, 2008

Talikodgenic: talikod para sa nakatalikod at ang genic parang yung sa photogenic at telegenic meaning maganda lang pag nakatalikod.

Sa kaso ko walang silbi yung “genic” dahil ako ay:

Trip ko lang laitin ang sarili ko, pero ang totoo iniintay ko lang pabulaanan niyo ang mga ispluk ko. Echosera ako remember? Hallleeerrrr…

Filed under: curler turner, jojitahness, wala lang | 20 Comments »