noong ako’y nagpa-burjer

Dahil sa post ni Pareng Vhonne na ito naalala ko tuloy noong panahong naging burjer attendant ako. Burjer attendant yung tagatinda ng burjer sa 24hour burjer outlet. Oo, naging ganun ako noong araw sa isa na ngayong sikat ng 24hour burjer outlet na hindi ko na sasabihing sa Minute Burger dahil wala namang bayad ang pa-advertise nila sa akin.

Natutunan ko ang art ng multi-tasking sa pagtatrabaho sa isang burjer outlet. As in multi-tasking galore. As in. Isa pa, as in. Hindi pa kasi uso ang buy one take one achuchuchu na gimik ngayon ng mga burjeran, madami pang variety ng burjers ang kailangan mong imemorize at orasyunan bago ihain sa customer. Hindi pa mahal ang gasolina kaya di pa nagko-cost cutting ang mga burjer outlets para gawing sobrang simpleng burjer na lang ang tinda kagaya ngayon.

Hindi madali ang trabaho ng burjer attendants. Kailangan pang iinventory ultimong stick na ipinapanghalo sa kape, kulang na lang pati alikabok ipa-imbentaryo ng mga hinayupak. Lahat kailangan itara, at ini-expect nilang perpekto ka at maililista mo ang lahat. Pag nagsabay-saby pa ang customer parang gusto mo ng panawan ng ulirat sa pagkalito. Ang oras mo ng pahinga ay ang oras mo para humawak ng map. Kaya huwag na kayong magugulat kung nanggigitata talaga ang mga tindera ng burjer. Hindi yun parte ng qualification para matanggap, talaga lang nakakalosyang ang trabaho dahil kadalasan naman mag-isa ka lang sa isang outlet.

Read the rest of this entry »

Written at October 14th, 2008 in tarbahu | 32 Comments »

classified ads?

Matagal-tagal na din pala akong nagtatrabaho bilang opis gel dito sa side side ng South Luzon. Ambilis talaga ng panahon. Parang kailan lang mega praktis ako ng aking deteriorating inglet dahil sa tawag ng call center chovarloo. Pero hindi siguro ako para sa call center world dahil bago ko pa man mabigyan ko ng kahihiyan ang boom na boom call center chuwariwap e na-hire na akong opis nuisance sa pinagtatrabahuhan ng aking sisterette. Ang galing talaga ni Bosing above, alam niya na maraming nangangailangan ng trabaho kaya hindi niya ako pinagbigyan maging call center gel.

Narealize ko na lahat na ata ng katangian bilang isang mowdel employee ay nasa akin na - maganda, maganda, maganda, maganda at maganda. San ka pa? Kaya pakiramdam ko tubong lugaw ang kumpanyang pinag-papaalipinan pinagtatrabahuhan ko sa akin. Ako din yung tipong hindi mareklamo pagdating sa trabaho para sa akin kasi ang trabaho ay biyaya, kahit pa nga kadalasan pakiramdam ko nag-chacharity work na ako. Ok lang, sabi ng chicher ko nung grade five give to charities.

Read the rest of this entry »

Written at October 10th, 2008 in jojitahness, tarbahu | 10 Comments »