i’m back from nowhere

Kumusta naman ako?! Hindi ako nag hayeytus ekek mga dearies. Nawalan ng Internet dito sa bahay dahil sa “facility repair” ng Globe. Hanodaw? Ewan ko kung ano yun. Baka may nakuhang gorilya sa mga kable-kable kaya nasira. Sa totoo lang hindi ko naisip na under repair lang ang linya namin, akala ko talaga naputulan kami ng internet. Aba halos magdadalawang buwan na din naman overdue ang ang bill namin. Sagad-sagarang-overdue bayaran style kasi ang alam ko. Lol!

Kumusta naman kayo?! Sa totoo lang inihanda ko na ang sarili ko mawala muna pansamantala sa mad-blog world na itech. Kundi lang talaga kailangan ko kumita kahit papano dahil magpapaksiw na, e malamang ikonbert ko na ang maiksing aberya sa internet sa totoong hayeytus. Hindi ko naman kayo na-miss no. Hallleerrr. Lols! Echos lang siyempre.

Sana OK lang kayo. Ok lang din naman ako kahit hindi niyo naman itinatanong sasabihin ko na din. Wala lang. Plastikan lang. Haha! Sana maalog ko ang aking bungo para naman makadaldal ako sa inyo. Nasabik din ako dumaldal.

Nga pala salamat sa mga nag-komento ever sa naiwan kong post. Mga kinilig naman kayong hinayupak kayo o. Lols! Hindi ko na sinagot ang mga comments niyo panis na masyado baka sumakit na ang mga tummies niyo. ;)

Written at November 19th, 2008 in pahinga, sanblogospheran | 14 Comments »

year 2: level up!

Anniversary month nitong dot com ko. Yiheee! Para sa akin dapat talaga sine-celebrate ang mga anniversary chuva chuva na yan. Para ding sa magjowawa, importanteng alalahanin ang panahong ikinadena ninyo ang mgasarili niyo sa isa’t-isa. Parang ganun din sa pagba-blog, ikinadena mo din naman ang iyong self pag nagbablog ka dahil ang blogging hindi lang yan basta blogging. Karir ito na bonggang bongga. Ang magsabing “ay naku blogging lang yan” sasabunutan ko lahat ng hairs niya sa katawan. Naniniwala kasi akong sa pagba-blog mo masasalamin ang karakter ng isang tao. No matter how much they pretend to be want they want to be. Matatalino ang mga readers, malalaman at malalaman nila kung ikaw ay tunay na ginto o gold plated lang.

Iniisip ko kung paano ko gagawing special na parang special siopao ang anniversary nitong dot com ko. Siyempre dapat bihisan, narealize ko na tama na ang pagpapaka-samart-ass at tigilan ko na ang nakakalerky na mga themes. Langya! Hindi lang kaya matris ko ang dinudugo sa mga codestsina galore na yan. Pero magandang learning experience, minsan man lang sa buhay ko nagpeeling webdesigner chuwariwap ako. Maikwento ko man lang sa mga apo ko na minsan ang lola nila ay kinarir ang magazine theme. Echos!

Read the rest of this entry »

Written at October 4th, 2008 in blog layp, sanblogospheran | 24 Comments »

faces bordering to feces

Isa itong tag na para sa akin ay hindi tag pero ang totoo tag ito – tag na galling kay Malen. Huwag na kayong magtaka kung bakit nasasanay ako na paikot-ikot lang ang sinasabi, kailangan ko ang ganyang style sa mga paid opps. Lololololols!

O heniwey milky way, matagal na rin naman mula nung balahurain ko ang sarili ko kaya tuwang-tuwa aketch sa evolution chorva-chorva na ito ni Malen my dear. Salamat nga pala sa karagdagang kahihiyan sa pagkatao ko. Lols!

Ok tingnan at pagpiyestahan ang kagandahan kong very versatile. lols!

Read the rest of this entry »

Written at September 17th, 2008 in sanblogospheran, tags | meme | 15 Comments »

blogging shitness

Sa tagal ko na din naman halos nagbablog kaya naman alam ko na halos lahat ng klase ng blogger. Masasabi ko na rin naman na kaya ko na silang i-classify kahit nakapikit. Mas naging mulat ako sa iba’t-ibang klase ng personalidad dito sa mundo ng nakakalokang blogging. Pero mababasa mo ba talaga ang karakter ng isang tao sa content ng kanya-kanyang blogtsina?

Sabi nga nila, you can be anything you want to be sa mundo ng blogging. Pwede kang maging si superman, si darna, si bentot, si bondying, si batman, si willie revillame o kahit si sandara parks kung gugustuhin mo, at yan ang isa sa pribilehiyong natatamasa natin. Masyadong liberating ang blogging sa palagay ko. Maganda yun sa isang banda dahil napapractice natin ang ating human rights pero sa ibang banda din it brings out the worst in us.

This really is a MAD BLOG WORLD! Anak ng kunehong baog! Ang boring palang magpa-deep! O sige na, ano nga ba ang punto ko?

MARAMING MASASAMANG NILALANG NA NAGKALAT SA SANBLOGOSPHERAN KAYA BEWARE! IWASAN SILANG PARANG TAE SA KALSADA FOR YOUR OWN PEACE OF MIND AND LIFE. OKIE?

Written at September 5th, 2008 in blog layp, sanblogospheran | 20 Comments »

japanese erotica

Sa wakas natapos ko din ang tag ni Mylene! Argh! Hindi ko pa kaya maging porn writer kaya pasensiya na kung medyo wholesome ang kinalabasan ng sagot ko sa tag na itech! Hallleeeerrrr… Ayoko pang mamemohan ni chairman laguardia no!

Rules. Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

  • sleepover - nakitulog
  • whip - latigo
  • handcuffs - posas
  • leather - katad
  • sexy - seksi
  • threesome - tatluhan
  • hairy - mabuhok
  • shotgun - shotgun
  • squeeze - pisil
  • explosion – pagsabog

Si Inday ay isang maganda at mahinhing dalaga mula sa Barangay Trulala. Marami ang nag-aakala na isa siya sa mga dalagang tatandang dalaga sa kanilang barangay dahil sa angkin niyang kahinhinan. Pero mula ng isang gabing nakitulog si Inday sa bahay ng kaibigan niyang si Maningning na bonggang bongga sa kakirihan at may kapatid na mabuhok sa dibdib na si Sergio, ay natuto na siyang magsuot ng seksi. Kapansin-pansin na din ang pagiging malapit niya kay Dodong, ang pinaka-gwapong barangay tanod sa kanilang barangay na laging may bitbit na shotgun at kilala din sa kanyang mga bonggang bonggang pagsabog – ng makatindig balahibong utot.

Isang araw napagpasyahan ni Inday mamalengke suot ang hapit na hapit na katad na damit. Halos lumuwa ang kanyang malulusog na goiter kasabay ng pagluwa ng mga mata ng mga matador sa palengke. Pero madami ang nagtataka kung saan niya gagamitin ang posas at latigo na kanyang binili kay Aling Lagring na kilalang sunog baga, may nakarinig na gagamitin niya daw ito sa tatluhan.

Hmmm.. Ano kaya ang dahilan ng mga pagbabagong ito ni Inday? Si Sergio kaya na may gubat na dibdib o si Dodong ang barangay tanod na paboritong pisil-pisilin ni Inday ang matipunong braso?

Alam ko hindi ako sumunod sa rules. lols! E anong magagawa ko kung wholesome ako?! *kumulog at kumidlat*

I’ll pass this tag to *drumrolls!* reyna elena and jen.

————
Pahabol na tag galing naman kay ron. Nagawa ko na ito pero for the sake of friendship gagawin ko ulit! lols!

For the instructions, add your name on the list and simply spell out your name using the given Japanese letter- translations below. Tag seben (tagalog ng 7) of your friends and inform them of the tag. Have fun.

TRANSLATION:
A - ka /G - ji/M - rin /S - ari/Y - fu
B - tu /H - ri /N - to /T - chi /Z - z
C - mi/I - ki / O- mo /U - do
D - te /J - zu /P - no /V - ru
E - ku/K -me/Q - ke /W -mei
F - lu /L - ta /R - shi /X - na

JOJITAH - zumozukichikari

 ambaho pa din! lols!

*note: sana tumabo ng traffic ang title nitong post na ito. lols!

Written at August 31st, 2008 in sanblogospheran, tags | meme | 10 Comments »