halo-halo na palabok pa!

Posted on May 2nd, 2008

Sa wakas! May social life na ako! Wiz ko na sabihin kung saan ako maglalamiyerda ngayong weekend, isosopresa ko na lang kayo ever. Yey! Makakalanghap ako ng ibang hangin. Yahhhhoooo! Hep! Hindi ako magha-hiatus chovarloo. Lalanghap lang ako ng ibang hangin, yung hanging madaming vetsin. Echos! Promise ko ang madaming piktyores! Excited talaga ko puro ako exclamation point!

~~~~~~

 

Naaalala niyo ba si utoy? Ang baby brother ko that no longer a baby. Naghahasik na ng lagim sa sanblogospheran. Pag di kayo busy ever hayaan niyo munang aliwin kayo ni marjohn aka mardito sa kanyang kakornihan kung ano-anong wala lang. Proxy muna siya sakin sa mga kalokahan ko. Lol!

~~~~~~

 

Sino ba ang dapat kong sisihin sa walang kamatayang peace sign na ito sa piktyores!? Ang Hapon ba o ang Koreano? Natanggap ko na, na para masabi mong you lived your life to the fullest kailangan meron ka kahit isang litrato na naka-peace sign.

 

peace sign

~~~~~~

 

Happy Birthday sa sisterette 1 ko! May she find what she’s been hiding for all these years. Lol! Tandaan… Nagchip-in ako dong! Hahahaha!

~~~~~~

 

Sa mga nagrerequest ng exchange links huwag kayong magtampo kung hindi niyo pa nakikita ang inyong blogtsina sa aking blogroll. Hindi pa ako nakakapag-update. Wag na magreklamo at mainip kasi yung trabaho ko nga sa opisina hindi pa nga din updated e blogroll ko pa. Lol! Just wait ever ok? Kinukuha ko naman ang mga patuka ninyo.

Filed under: curler turner, random, randomness | 15 Comments »

Random No.006

Posted on March 9th, 2008

Kung kailan nagkaroon ng internet dito sa bahay saka naman wala akong maisip na maipost dito sa blogtsina ko. Parang mas nagfufunction yata ang utak ko pag patago akong gumagawa ng post habang nagkakandaduling dahil sobrang minimize ang windows ko. Pero siyempre mas ok naman sa akin to no! Atleast dito hindi ako nanganganib mawalan ng trabaho.

Randomness is the best remedy to a problem talaga, buti na lang meron akong ganung category dito, at swerte din akong Spontaneity ang title ng blogtsina na ito.

(1) Sa totoo lang huwag ninyong pabigkasin sakin sa totoong buhay ang title ng blogtsina ko kasi nagkakanda buhol-buhol-buhol ang dila ko. Pero ipinanangako kong papraktisin ko siya araw-araw before I brush my teeth.

(2) Mahina ang gaydar ko, pero talagang nagdududa ako sa kasarian ni Jed Madela. Bakla ba si Jed? Curious lang. Mga shofatids na merong gaydar power in beta, I need your help! Gay ba si Jed?

(3) Hanggang ngayon sobra kong dinidibdib ang unfairness cheinilling na sinapit ko sa opisina. Ayoko ng idiscuss yun dito kasi napapadpad dito ang anak ng boss ko dito sa balaytsina ko.

(4) Bakit ba pinag-aawayan si Bong Revilla? Diko magets! Dahil daw meron siyang malaking berdie? Madami namang may malaking berdie a!

(5) Ang korni ng Marimar, pero ang daming pumapatol, lalo na ang kapatid kong asar na asar sa script ng Marimar pero di naman mapagkit ang pwet sa harap ng TV.

(6) Ang taba-taba ko na pero pakiramdam ko malnourished ako. Amfanet!

(7) Parang gusto kong lagyan ng blind item section itong blogtsina ko. Hmmm…

(8) May landline na kami, makakapagpadeliver na din ako ng one-piece chicken joy.

(9) Sobra kong nalulungkot kasi hindi nakapasok si Danny Noriega sa Top 12 ng American Idol.

(10) Kinakabahan akong ma-thypoid. Buti na lang alam ko na iispell ang thyphoid.

Filed under: random | 14 Comments »

Random No.005

Posted on February 18th, 2008

(1) Hindi ko alam kung ano ang problema nitong balay ko. 3days na siyang nagloloko. Hindi ko alam kung nagp-PMS o nagmemenopause. Naiinis ako ng sobra dahil hindi ko masolusyunan. Kailangan ko na ata talaga magpalit ng host. Masyado akong abala ngayon kaya hindi ko alam kung paano ko pa siya maaasikaso. Hay… So little time… So pretty me… Echos!!!

(2) Hindi ko alam kung paano ko iwiwithdraw yung pera ko sa paypal! Gaaarrrr! Kating-kati na yung kamay ko gastusin yun. Ibibili ko yun ng monitor at pampakoneksiyones sa internet para magka-pyuter at makapag-blog na’ko sa bahay. E kaso mo I am so Unverified kaya ayun… aamagin ang mga pinag-nosebleedan ko.

(3) Wala na akong maisip, nilagay ko lang itong number 3 para magmukha naman siyang madami.

Filed under: random | 8 Comments »

original manong

Posted on February 4th, 2008

Nagbibirthday ba ang mga deadbols? Hindi ko kasi alam. Birthday kasi ng aking padir ngayon na almost 3years ng nakabakasyon for life. Hindi ko alam kung pwede ko ba siyang batiin ng Happy Birthday. Keri na.

Para sa original na Manong ng Nanay ko.

HAPPY BIRTHDAY!!! Mag-enjoy ka sana kung saan ka man nagbakasyon. Ay Lab Yu!

Filed under: random | 6 Comments »

Random No.004

Posted on January 14th, 2008

Namiss kong magpakarandom random ever at nasa mood din akong magparandom random dahil tama kayo ng obserbasyon, meron na akong sponsored post! Wuhooo!!!! Medyo na-excite naman ako at nagsimula ng manosebleed. Kiver! Pero wit ko naman siyempre pabayaan ang balay ko na nakilala na sa makabagbag damdamin at sobrang insightful na entries, echos!!!

(1) Hindi ko alam kung official na talaga na eng-eng ako o talaga lang kulang ako sa iodized salt! Si Charice Pempengco pala ay ang runner sa Little Big Star noon. E bet ko kaya siya noon at sobra akong nadisappoint na natalo siya ni Sam Concepcion na dinaan na lang yata ang lahat sa pagpapa-cute. Hindi ko nga malaman kung bakit hindi ko siya narecognize kaagad. Panis na ang balita, nakangawa na si Charice kay Ellen Degeneres, pinuri at pinagkaguluhan na ng lahat at ngayon ko lang siya namukhaan. Anong tawag sa akin?

(2) Gusto kong manood ng valentine concert nila Sarah Geronimo, Christian Bautista, Rachel Ann Go at Erik Santos! Kanino kaya maisanla ang kaluluwa ko? Charing! Panalo yun sigurado.

(3) Bakit ba tinawag na wisdom tooth ang wisdom tooth? I’m sure my trivia tungkol dito tamad lang ako magresearch. Hellloooo… I’m not a researcher, duh!

(4) Gusto kong kumain ng shawarma ngayon. As in ngayon na ngayon na tinatype ko itong post na ito.

(5) Gusto kong patayin si Riza ng PBB. Wala lang, wala lang akong magawa.

(6) Wala akong pakialam kahit lagyan nila ng tax ang text, mawawalan na naman ako ng selepono. Belat sila.

(7) May kinaiinisan akong isang blogger. Sino? Secret. Echos lang! Gusto ko lang sana kayong maparanoid.

(8) Ang ganda ko today siguro lalo na bukas.

(9) Gutom na’ko kaya babu na!

Filed under: random | 4 Comments »

Happy Holidays!

Posted on December 23rd, 2007

Iwan ko muna kayo pansamantala. Magtatago lang ako sa inaanank ko, echos!!! Wala na kasing opis, meaning… wala ng free internet! Pwera na lang kung may mababait diyan as in yung sobrang bait na bibilhan ako ng bagong monitor with matching pakabit the internet.

I am wishing you all a…

merry xms

Wag panisin ang fruitcake.

Wag itago sa aparador ang shokton!

Isuot ang mga bagong damit.

Magsabit ng bagong medyas.

Be happy and spread the love!

See yah next week!

I LOVE YOU ALL!!!!

Filed under: random | 12 Comments »

Random No.003

Posted on September 5th, 2007

Filed under: random | 9 Comments »