nosebleeding birthday of the year!

Posted on April 24th, 2008

Jojitah’s Ten Wishes for Malen

1.)4wheeler car
2.)House with lots of lot
3.)Many many more birthdays
4.)Haffyness ever
5.)World Peace
6.)Flawless boylett
7.)More friendships
8.)Be a Social Climbing Baliktorian
9.)More nosebleeding
10.)Page rank 8!

HAPPY BIRTHDAY MALEN!!!!

MALEN BDAY

Filed under: curler turner, prenships | 8 Comments »

repost again

Posted on April 7th, 2008

Reposting time again! Tinatakasan ako ng idea lately, buti na lang may baul ako ng lumang post na sigurado namang hindi niyo pa nababasa dahil galing yun sa kalumaan kong friendster blog.

Oppppssss… Bago niyo basahin may I happy birthday muna ako sa dalawang blog celeb na nagcecelebrate/magcecelebrate ng birthday nila. Walang kinalaman sa kanila itong entry pero gusto ko silang gawan ng munting espasyo dito sa balaytsina kong walang hagdan.

XienahGirl at Jon Cabron

HAPPY BIRTHDAY!!! WOOOTTTWOOOOOO!!!!

 

Ok back to regular posting. Read the rest of this entry »

Filed under: blog layp, prenships | 30 Comments »

kwentong Enchanted, finally nagkwento din

Posted on April 2nd, 2008

So eto na ang Enchanted Kingdom kwento ko. Pero bago ang lahat, Happy Birthday ulit at thank you very much kay Diwa dahil if not for her wala sanang nangyaring Enchanted Chovarloo noong Linggo. Utang na labas namin nila Pusa at Malen ang kasiyahan naming noong Linggo kay Diwa, kahit na dapat siya yung nag-enjoy at hindi kami. Nakonsensiya kami? HINDI. Lol!

Ang unang plano ayon kay Malen is gimik somewhere ng Saturday night, since medyo ngarag ako ng araw na yun kaya hindi din ako makakasama, idagdag pa ang kakulangan ko ng budget. Oo na, nakaka-umay na. Sa totoo lang nakakahiya na din namang laging ganito. Teka hindi nga pala ang kadukhaan ko ang kinukwento ko. Ampft! Adik.

Dahil nagswimming sila ni Pusa sa balong malalim noong sabado kaya hindi natuloy at na-move nga ng linggo at hindi ko alam kung kanino sa dalawa galing ang idea na mag-Enchanted Kingdom, kung kanino man, manalo sana siya sa Lotto. lol!

Sa totoo lang, kung hindi lang malapit ang Enchanted Kingdom dito hindi talaga ako sasama, nungkang ipakulam na ako ni Malen dahil dagdag na naman ito sa lakad na hindi ko sinipot. Late bloomer kasi ako e, eeekk! Anong konek?! Pero dahil less than 30minutes away lang ito sa tahanang walang hagdan an tinutuluyan ko, go na’ko. Isa pa gusto ko din namang mag-Enchanted hindi ko lang pinahalata pero halata naman pala. Read the rest of this entry »

Filed under: blog layp, buhay ko, prenships | 18 Comments »

happy na virthday pa.

Posted on March 31st, 2008

May hang-over pa ko sa Enchanted Kingdom experience cum birthday celebration ng virthday ng nag-iisang si Diwa, kay hindi pa ako makapagkwento. Abangan niyo na lang sa mga susunod kong post.

Ang post na ito ay inilalaan ko sa virthday girl. Huli man ay magaling, huli pa din kaya keri na. LOL!

HAPPY VIRTHDAY DIWA!!!

 

Salamat ng marami sa treat mo ever ever. I am honored na nakasama ako sa virthday celebration mo. Sobra kaming nagenjoy at ang ibidinsiya ay ang video sa aking sidebar. LOL!

Filed under: prenships | 18 Comments »

Happy Na Birthday Pa Ni Pusa Dear

Posted on January 21st, 2008

HAPPY BIRTHDAY PUSA… HAPPY BIRTHDAY PUSA… HAPPY BIRTHDAY… HAPPY BIRTHDAY….. HAAAAAPPPPPPYYYYYY BIRTHDAAAAYYYY PUSA….

 

HAPPY BIRTHDAY PUSA DEAR!!!!!

 

At dahil binigyan mo ako noong xmas ng:

diamondkitty

This is my gift to you dear:

Iswipe mo lang ng iswipe dear, magpanic shopping ka na! ;)

Wishing you so many wishes!!! Maka-1000 wishes para sayo, kalahati man lang dun ang matupad ayos na diba? Ay Lab Yu Pusa! *muah!*

Filed under: prenships | 1 Comment »

Noong “Go-Gi” Pa Ako

Posted on January 17th, 2008

Dahil gusto kong gawing makabuluhan ang buhay ko dito sa mundong ibabaw bago man lang ako mapunta sa mundong ilalam [duon tayo napupunta pag tayo ay dedo na], inuumpisahan ko ng gumawa ng scrap book. Scrap Book na kasi ang magiging simbolo ng isang pagiging mabuting tao, echos! Kaya nagkalkal ako ng mga kung anik-anik na memorabiliang itinatago ko na sobra palang dami kaya naloka ako at lumabas sa kalsadang nagsisigaw, echos uli!

Pinakamadami akong nakuhang sulat at habang tinitingnan ko sila e winiwish ko na sana sila ay kwarta. O diba, abot hanggang anit sana ang ngiti ko ngayon. Pero wag niyo namang isipin na mukha na talaga akong salapi dahil importante naman sa akin ang mga lihamtsina na nakalap ko. Helllloooo… kaya ko nga itinago e. Duh!

Sa sinamang palad wala akong nakuhang love letter na ang ibig sabihin lang na basura ang buhay pag-ibig ko nuong araw. Ok na din kasi madami naman akong prends [pakunswelo].

Pero merong isang sulat na nakapag pangiti sa akin at hindi ko napigilan ang sarili kong iblag. Galing ang sulat, aktwali para nga lang siyang note, sa college friend ko noon. Uso kasi sa amin noon ang magtsismisan at magaksaya ng tinta ng ballpen kaysa ng laway good for the salivary gland daw yun. Masarap lang balik-balikan. Share ko sa inyo ha.

Eto yung lihamtsina unedited: Read the rest of this entry »

Filed under: prenships, wala lang | 5 Comments »

My Person”S” Of The Year

Posted on January 5th, 2008

Tradisyon ko na every year ang magkaroon ng person of the year. May kabuluhan naman yun, hindi lang para magmukha akong nag-iisip.

Dahil sabi ko nga na maganda naman ang naging two-oh-oh-seven ko kaya limang tao ang napili kong PERSON OF THE YEAR. Sana naman senyales ito na gumaganda na ang ugali ko dahil dumadami na ang nagdididikit sa akin.

Sila ang mga MAIN UTAWS na in their own big/little ways sobrang nakapagpainspire at nakapagpaligaya sa buong two-oh-oh-seven ng abang divang kagaya ko. Laging nandiyan na parang stalker. Kasama sa saya at saya at saya, sige na nga pati na din sa lungkot. Sila ang mga taong nag-impart ng kung ano-anong chovarloo para masabi kong I AM A MUCH BETTER PERSON ngayong two-oh-oh-eight. I LOVE THEM ALL! Kung pwede lang silang ipreserve para habang-buhay ko na lang sila kasama. Read the rest of this entry »

Filed under: buhay ko, featured utaw, layp, prenships | 14 Comments »