no year-end reports achuchuchu here

Kung may nag-aabang man ng year-end blow by blow eklavu ko noong nakaraang 2008, sorry to disappoint you dearies. Pass muna ako sa ganung ekek. Itry ko naman na hindi i-overanalyze ang buhay ko for a change.

Feeling ko dadagdagan ko lang lalo ang isang container van na stress ko pag gumawa ako ng 2008 review-op-my-layp chuwariwap na yan. Hindi ko naman dine-deny na wala masyado akong liwanag na naaaninag sa puntong ito ng buhay ko. Kaya keri na kayo diyan.

Pero wiz naman ako nawalan ng pag-asa na everything will be bright and sunny again. Ako pa! Ako yata si Miss Pag-Asa, pero wag kayo magtatanong sa akin kung may parating na bagyo kundi sasaktan ko kayo.

But if you will ask me some lesson learned na napulot ko nung nakaraaang taon. Aba naman sandamakmak! Mga tatlo. Lols! Echos lang. Madami naman talaga, e kasi ano naman nga ang saysay lahat ng pighati’t pasakit kung wala kang natututunan.

Isa sa mga natutunan ko ay ang tanggapin na maganda si Bea Alonzo kahit na sa bawat araw na nakikita ko siya sa TV gusto ko siyang panain ng kalawanging tinidor. Maganda si Bea lalo na kung nagkataong naging pipi {mag-ingat sa pagbigkas} siya.

Read the rest of this entry »

Written at January 4th, 2009 in buhay ko, jojitahness, pagnilay-nilayan | 2 Comments »

All I Want This Xmas

24days before Pasko. A few days bigayan na ng 13th month bonus. A few more days maluluha dahil ubos na ang 13th month. And a few more days made-depress dahil nakakadepress maging mahirap pag Pasko.

Pero hindi ako made-depress. Itataga ko sa sago’t gulaman. Dahil after Pasko, Bagong Taon na. Pagkatapos ng Bagong Taon Pebrero na. At Pebrero ang Pasko ko. Iminove ko siya ng Pebrero, parang yung ginagawa ni PGMA sa mga holidays. Walang basagan ng trip. At siyempre pag Pasko may wish, hindi na kailangang isulat sa Wish Ko Lang. Pumikit lang, magdasal at manalig.

Isa lang ang wish ko. Hindi Gigicam. Hindi iPod. Hindi bagong selepono. Hindi din World Peace. Kundi…

Si Manong ko.

Awwww…

YouTube Preview Image

*ako na lang sana ang kakanta ng kantang yan ni Mareng Mariah with matching video-ing and costumes para mas peel na peel, pero ayokong mapostpone ang Pasko ko dahil magiging instant star ako sigurado. ECHOS!!!!

Written at December 1st, 2008 in manong, pagnilay-nilayan, romanticism | 9 Comments »

rekwes ulit kay Bosing

Matatapos na naman ang October. So fast. Parang nagpalit lang kaming gels ng panty, ayun! isang buwan na pala ang lumipas. E paano pag hindi nagpapalit ng panty? Nababagalan sa panahon. E pag hindi nagpapanty? Walang pakialam sa takbo ng panahon. ROFL! Aym so genius talaga para maka-isip pa ng mga ganitong bagay oo. Epekto siguro ng global warming.

Mabalik tayo sa paglipas ng panahon. Noong panahon ng hapon ganito din ba na parang ini-ispin ang earth sa bilis ng araw? Hindi na ako magtataka na kung manganganak ako ngayon pagkurap ko grade one na ang junakis ko, at pagkurap ko ulit college na! Ohmaygash! Naalala ko tuloy yung movie ni Adam Sandler na Click. Afraid! parang hindi ko ata keri yun.

Read the rest of this entry »

Written at October 26th, 2008 in manong, pagnilay-nilayan | 28 Comments »

weekend pagnilay-nilayan

Sabi nila matalino daw ako, sabi ko naman swerte lang ako sa exams. Hanapin ang konek pls. lols! Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang intelihenteng tao pero hindi ko din naman masasabi na bobo ako. Hahayaan ko na lang na ang tao magsabi nun, pero ako, hindi aamin. Magka-ubusan na ng kayamanan. Charing!

Hindi naman ako naniniwala talaga na may bobo sa mundong ito kahit na madalas kong pag-isipan na bobo ang ilang tao sa paligid ko. Hindi ko mini-mean yun, out of sheer annoyance chovarloo siguro kaya ko lang sila nilalait sa paguutak ko. Peeling ko lang kinulang lang sila sa common sense o tinamad mag-isip {kasama ako dun paminsan}. Oo na, nagpapalusot na naman ako.

Para sa akin hindi naman kasi nasusukat ang pagkatao sa talas o purol ng u-tak. Nasa dami ng salapi sa bulsa. Nandun yun sa kung paano mo gagamitin ang mga katangian mo ke fangit o maganda sa paghipo, pagkapkap at pagsalat sa buhay ng kapwa mo. It’s the goodness in you kumbaga {akala niyo it’s the thought that counts no? lol}.

Read the rest of this entry »

Written at October 18th, 2008 in layp, my five-pesos worth, pagnilay-nilayan | 28 Comments »

pabili ng angas

May mga taong pinanganak talaga na may kambal angas. Yung tipong uha pa lang may angas na. Kewl. Sa totoo lang gusto ko magkaroon ng oozing angas sa katawan. Kailangan ko yun, pakiramdam ko yun ang kukumpleto sa pagkatao ko. Ching!

Pero seryusli, kailangan talaga ng isang tao ng kaunting angas. Parang paglaklak din ng alak basta in moderation lang. Yun yata ang kulang sa akin para maging isang ganap na diva. Yung parang kakaldagan kita sa dibdib bawat bitaw ng salita ko. Nyeh! Parang tunog preso. Lols! O kaya naman yung tipong luluhod ang mga tao sa’kin sa takot sa isang kumpas lang ng kamay kong kalyuhin. OA na yata yun, pero parang ang kewl kung ako yun no? Imaginin mo habang nagsasabi ako ng “Anong ginagawa mo sa balaytsina ko ever?! Chochovarloo ka lang no?! Cheines ka! Hala chumiwariwap ka sa harapan ko. Now na!” at nanginginig kung sino man ang sinasabihan ko niyan sa takot. Kewl. Kewl talaga. Read the rest of this entry »

Written at October 6th, 2008 in jojitahness, pagnilay-nilayan | 15 Comments »