PERHAPS LUV

Posted on March 3rd, 2009

Kung minsan pagdududahan mo ang sarili mo kung in love ka nga ba o yung sinasabi lang nila na “in love with love” o “in love with being in love”. Linsiyak! Hindi ko na nga maintindihan kung bakit napaka-kumplikado ng emosyon.

Nakaka-pagod mag-analyze. Nakaka-loka manghula at higit sa lahat nakaka-imbiyerna mag-isip. Pagdating sa emosyon hindi na patalinuhan, pabobohan na to the highest level.

Paano nga ba magmahal ng matalino? O maging matalinong magmahal? Whatever chever.

Back to basic yata dapat, yung tingnan mo ng simple ang pag-ibig.

Perhaps love would find its way to make everything ok.

Tumutula ba ako? Ewan ko. Pasensiya na, adik lang.

Filed under: love | 2 Comments »

three years and continuously counting

Posted on January 6th, 2009

Three years ago, our journey began
Chasing down this cure, no plan in hand
Just your pulse, my racing guide in the dark
Just knowing with conviction from the start

Ambilis talaga ng panahon. Mabilis pa sa pagtaas ng baha sa Metro Manila sa konting pag-ambon. Akalain mong tatlong taon na mula noong sagutin ako ni manong sa panliligaw ko sa kanya. Natutuwa naman ako at unti-unti na natatanggap ni manong na sa aming dalawa siya ang torpe. Pero alam ko namang may dahilan ang pagpapa-hard to get niya noon. Malas na lang niya at hindi ang alindog ko ang pumapayag na hindi makuha ang Bataan.

The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of being godly
Yet I fell hard for your imperfections

And as the typical love story goes, nagkakilanlan kami ni manong as time pass by. We unleashed each others demons, na fortunately hindi umabot sa puntong isumpa namin ang isa’t-isa. Naging bruha ako at naging bruho siya, but we managed to still see the good in each other kahit paminsan-minsan gusto naming ipa-blotter ang isa’t-isa.

And now we’re slightly weathered, we’re slightly worn
Our hands grip together, eye to eye through the storm, yet
I still believe in ever after with you, yeahhhhh
Cuz life is a pleasure with you by my side,
And there ain’t no current in this river we can’t ride
I still believe in ever after with you

Read the rest of this entry »

Filed under: love, manong, romanticism | 12 Comments »

totoo ka bang inlab?

Posted on August 12th, 2008

“I LOVE THE WAY YOU LOOK AT ME WITH SO MUCH MUTA IN YOUR EYES AND WITH ALL THE PANIS NA LAWAYS SCATTERED AROUND YOUR FACE. YOU’RE SO ADORABLE WHEN YOU FART LIKE THERE’S NO TOMORROW AND I LOVE THE WAY YOU PICK YOUR NOSE.”

Pag kaya niyo ng sabihin yan sa partner ninyo with all the conviction in this whole wide world then you must be REALLY inlababo. Madami ng cynic pagdating sa love also known as xoxo. Hindi ko naman sila masisi dahil truly, love [is a many splendor thing? Lol!] is twisted. O dibanetch ang tarush! Kaya paminsan nagi-guilty ako pag nakakakilig na landian namin ni manong sa mga entry ko dahil nararamdaman kong kinukulam ako ng mga galit sa pag-ibig. Alam ko, nararamdaman ko dahil sumasakit ang ingrown ko. I feel for them dahil minsan sa buhay ko nakipag-giyera patani din ako sa pag-ibig.

Dahil sa inis o curiosity na din siguro kaya ang mga Abs Bitter Herbs at sina Bitter Ocampo ay binabato ako ng ganitong tanong: “Paano ka nakasigurado na YUN NA NGA, SIYA NA NGA AT THIS IS IT?!”

Hanggang ngayon naman hindi ko pa din yan masagot basta ang sigurado ko lang yung feelingness ko ng pagkainlababo ay sobrang totoo. Madami kasi ang ilusyones lang ang pagkakainlababo - nainlab dahil gusto lang mainlab, nainlab dahil inlab sa lab at nainlab dahil yun ang sinabi ng horoscope. Wit na din ako nag-preach pa kung paano mahahanap ang taong para sa’yo kasi malamang dun bumagsak ako. Palpak kasi ako dun, buti na lang naawa ang mahabaging heaven sa byooti ko at inihagis sa direksiyon ko si manong na may karatulang for sale. Echos lang.

E paano na malalaman kung totoo ang feelings [love aka xoxo] cheines?

Eto:

At…

Tumutubo kahit walang interes.

Pasok ba sa banga? Welcome to the club! Yun lang.

Filed under: love, romanticism | 5 Comments »

warning: nakakakilig

Posted on June 28th, 2008

For the man who never cease to love me despite of and in spite of every chorvalais
For the man who never fails to make me smile during bad-face day
For the man who learns to love me in times of PMS
For the man who gives me the 101 reasons to live in this rice shortage and oil price hike age
For the man who believed and still believes… that I am the PRETTIEST WOMAN on earth
For the man with taste and knack on loving the sexiest creature alive
For the man who controls my life
My heart’s remote control
My life’s driver
My everything…
My dream…

This song is for you…

Hoy!!!! Pakasalan mo na’ko no!!!!

I love you so dearly my manong.

Filed under: love, manong, romanticism | 16 Comments »

gusto ko ng mag-asawa!

Posted on May 29th, 2008

Hindi echos yung sinabi ko sa post ko kahapon na gusto ko na mag-asawa. GUSTO KO NA MAG-ASAWA. Hindi yan echos. Uulitin ko, hindi yan echos!

I wanna make you smile whenever youre sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

Ito na yung point ng buhay ko na gusto ko na gumawa ng bata talagang bumuo ng sarili kong pamilya. Hindi dahil sa ilang taon na lang e wala na sa kalendaryo ang edad ko. Kahit kailan hindi ko minadali ang pag-aasawa basta alam ko pag naramdaman kong gusto ko na, yun na yun! Ibig sabihin lang nito [sa palagay ko] nahanap ko na ang dapat kong mahanap para maging misis. Naramdaman ko na yung dapat kong maramdam para gustuhin kong maging panghabangbuhay akong magpatali. Habangbuhay as in EVER.

Ill get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

Pero siyempre natatakot din ako. Alam ko naming hindi bed and roses ang pag-aasawa. Minsan nga iniisip ko baka lang ayaw ko na mag-isa kaya gusto ko na. Pero hindi ganun. Hindi talaga ganun. As in hindi ganun. Gusto ko na lang siguro gumising every morning na tinatanggalan ng muta si manong.

Ill miss you
Ill kiss you
Give you my coat when you are cold
Ill need you
Ill feed you
Even let ya hold the remote control

Gusto ko na. Pero hindi pa pwede. Madami pang kailangang ayusin, madami pang kailangang planuhin at higit sa lahat kailangan pang hintayin na maging 60pesows ang piso kontra dolyar. Charing! Mahirap din naman magpadalos-dalos, kaya hanggang ngayon naghihintay pa din kami ni manong.

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if youve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you

Ang masarap lang, gusto ko na at gusto na din niya. Nakakakilig diba? Pag totoong misis manong na’ko hindi na ako diva. Divang-diva na ako na bonggang-bongga! Yihheee! Masarap lang mahanap ang taong magiging kabiyak ng pwet mo sa habang buhay.

Ang mushy ng post na ito kaya tatapusin ko na. Nga pala peborit kong kanta ang Grow Old With You. Isinumpa ko sa sarili kong pipilitin kong kantahin yan sa’kin ng magiging asawa ko, kaya bukas kukulitin ko si manong na kantahin sa’kin yan kesehodang rapein niya ko. Lol!

Filed under: curler turner, love, romanticism | 32 Comments »

sipon

Posted on April 30th, 2008

Masama ang mood ko, badtrip ako sa ilang tao at higit sa lahat masama ang pakiramdam ko dahil sa pesteng sipon.

Pero lumiwanag ang buhay pag naman ganito ang sasabihin sa’yo ng isang taong walang ginawa kundi pagaanin ang lahat ng bagay sa paligid ko.

“Papakasal ka pa sa akin kaya magpagaling ka…”

Aaaaaawwwww…

Sagot ko?

“Sipon lang to no. Papakasal ako sayo kahit tumutulo uhog ko no.”

Hindi pa kami papakasal, pag gumaling pa ang sipon ko. Lol!

Filed under: curler turner, love, romanticism | 13 Comments »

5 minutes

Posted on March 26th, 2008

Wala akong gana gumawa ng masayang post at ng assignment ngayon dahil nag-away na naman kami ni manong. Ewan ko ba, lately lagi na lang kami nag-aaway. Hindi ko yun nagugustuhan, parang okra na pinilit ipakain sa akin. Ang bigat sa dibdib. Ayoko na sana gawing post ito dahil malamang at sa hindi pag-awayan na naman namin ito pag hindi niya nagustuhan. Pero hindi ko matiis kasi masakit masyado sa dibdib at wala akong mapaghingahan.

5mins.

Wala pa ding text.

5mins.

Ako na ang nag-sorry.

5mins.

Walang reply.

Hay. Buhay pag-ibig talaga o. Walang duda mahal ko ang mokong nay un, at yung mga petty things na ganito kahit gaano ka-petty nakakasakit din ng sobra, lalo na pag pakiramdam ko yung ako yung mas nagbibigay at nagpapasensiya. Best in pasensiya talaga ako. Akala ko noon tinapay lang yun.

5mins.

Hindi pa din tumutunog ang fone ko, [ay wala nga palang tunog yun] wala pa ding reply.

5mins…

Wala pa din.

5mins. *pinipigilang umiyak*

Dapat siguro matulog na’ko. Pipilitin ko, baka bukas Best in Pasensiya pa din ako.

Filed under: love, romanticism | 27 Comments »