nangengealam
Posted on November 24th, 2008
Nakakatuwa yung bago namin staff dito sa hofis. Ansarap ipagsampalan ang talampakan ko sa fez niya. Tanungin ba naman ako, “Ate bakit wala ka pang asawa e malapit ka na mawala sa kalendaryo?” Bruha! At dahil hindi ko pa pinangarap magsuot ng orange, hindi pa kasi ako mestisa, kaya hindi ko sinaktan. Pero muntikan na akong pagdiliman ng paningin nung sundan pa ng, “Mahirap na kasing manganak pag matanda na.” Ok, now I consider orange as my peborit color. Abangan niyong nagba-blog ako sa loob ng kulungan sa mga susunod na araw.
Bakit ba ang pag-aasawa kailangan may age limit? Hindi ko talaga gets ang ugaling ito ng pinoy. Kasalanan to ng mga matatanda e. Sila ang may pasimuno kung bakit ang babae kailangan na mag-asawa bago tubuan ng maturity. Hindi naman ako nangenge-elam kung bakit ang mga lola ko noon e kumerengkeng na sa edad na katorse no. Hindi ko rin naman kinukwestiyon kung bakit nag-uumpisa pa lang silang gumamit ng pasador alam na nila paano gumawa ng bata.
Kanya-kanya ang pag-aasawa. Hindi yan binibigyan ng palugit o taning, hindi naman yun Cancer. Hindi rin yan lotto na swertihan at higit sa lahat hindi rin yun kanin na napapanis pag hindi kinain. Wateber. Basta yun.
Kaya dapat hindi nangenge-elam ang ibang tao diyan lalo na yung staff naming bente anyos na kulot na kabago-bago intrigera.
![]()
Nga pala kaya kami may bagong bruhang staff yun ay dahil nag-resign ang menggay. Wewento ko isa sa mga susunod kong post.
Filed under: layp, my five-pesos worth | 6 Comments »
weekend pagnilay-nilayan
Posted on October 18th, 2008
Sabi nila matalino daw ako, sabi ko naman swerte lang ako sa exams. Hanapin ang konek pls. lols! Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang intelihenteng tao pero hindi ko din naman masasabi na bobo ako. Hahayaan ko na lang na ang tao magsabi nun, pero ako, hindi aamin. Magka-ubusan na ng kayamanan. Charing!
Hindi naman ako naniniwala talaga na may bobo sa mundong ito kahit na madalas kong pag-isipan na bobo ang ilang tao sa paligid ko. Hindi ko mini-mean yun, out of sheer annoyance chovarloo siguro kaya ko lang sila nilalait sa paguutak ko. Peeling ko lang kinulang lang sila sa common sense o tinamad mag-isip {kasama ako dun paminsan}. Oo na, nagpapalusot na naman ako.
Para sa akin hindi naman kasi nasusukat ang pagkatao sa talas o purol ng u-tak. Nasa dami ng salapi sa bulsa. Nandun yun sa kung paano mo gagamitin ang mga katangian mo ke fangit o maganda sa paghipo, pagkapkap at pagsalat sa buhay ng kapwa mo. It’s the goodness in you kumbaga {akala niyo it’s the thought that counts no? lol}.
Filed under: layp, my five-pesos worth, pagnilay-nilayan | 28 Comments »
usapang tsugihan
Posted on August 13th, 2008
Kagabi naranansan ko na naman yung hindi ko maigalaw ang napaka-sexy [ching lang!] kong katawan at pinilit kong magising dahil any moment nararamdaman kong baka hindi na ako magising EVER. Hindi naman madalas mangyari sa akin yun pero sobrang nakakapraning tuwing magigising ka galing sa isang insidenteng akala mo ay hindi ka na magigising.
E paano na nga kung hindi na ako nagising? Given na yung mababawasan ang maganda sa mundong ito at given na din yung may iiyak at magluluksa dahil hindi naman ako parang isang surot lang na bigla na lang sumulpot sa mother earth. Ang gusto kong malaman ay kung ilan ang magpa-party at magpapamisa ng pasasalamat pag natsugi ang kagandahan ko?
Ang pangit isipin no, pero curious ako kung madami ba sila na parang may fireworks display celebration na magaganap sa araw ng libing ko. Isang magandang pagmumuni-muni ito hindi ba? Hindi yung ang bibilangin lang natin kung ilan ang malulungkot at magluluksa, pwede din natin ire-asses ang buhay natin sa kung ilan ang taong magsasaya pag nawala ka.
Narealize ko naman after ng nangyari sa akin kagabi na hindi pala ako aware kung madami ang namumuhi sa kagandahan ko. Hmmm.. Gawan ko kaya ito ng thesis? Lol! A ewan. Hindi ko pa naman alam kung anong mangyayari sa’kin pag nadedboltsina ako – kung magiging anghel, engkantada o diyosa. Nyahahaha! Mahaba pa ang buhay ko hindi pa matagal pa mangyayari yun, sa ngayon pagtiyatiyagaan ko munang maging DIVA.
Filed under: jojitahness, layp | 7 Comments »
summer post
Posted on March 28th, 2008
Dahil summer na hayaan ninyong magre-post ako. Ang galing diba? Ramdam na ramdam na talaga ang init ngayon, kung ibang init ang nararamdaman ninyo go and see your librarian. Echos! Ang post na ito ang isa sa pinaka-unang post ko. Peborit post ko ito. Pagkatapos ninyong mabasa at itatanong ninyo kung bakit. Sasagutin ko lang yan ng: “WALANG BASAGAN NG TRIP!” Read the rest of this entry »
Filed under: blog layp, layp, my five-pesos worth | 14 Comments »
nothingness meets divaness
Posted on March 23rd, 2008
Tama na.. Sobra na.. Sobrang pagod na ako.. OF DOING NOTHING! Lol!
Sarap ng bakasyon! Lasang pearl shake. Hahahahaha!

Don’t drop those eggs. *wink wink*
Filed under: layp | 6 Comments »
balemtayms is so near
Posted on January 31st, 2008
Malapit na ang balemtayms day. Hindi naman ako masyadong excited dahil alam niyo na si manong ko ay nasa bayan pa ng mga Arabo. Hindi naman ako bitter kasi sisikapin naman namin ni manong na makapag-celebrate na ng balemtayms sa susunod na taon. Weee! Oo.. kung papalarin kami sa mas mapalad pa sa nanalo sa lotto baka sakaling next year umuwi na si manong ko and we will live happily ever after.
Pero bakit ganun? Hindi ko maramdaman na madami ang naeexcite dahil malapit na naman ang araw ng magsing-irog? Hmm.. Ewan ko lang ha. Eto naman e obserbasyon ko lang. Pero wit ko talaga ma-feel ang balemtayms spirit. Hindi na ba siya uso? Ibahin na lang kasi natin ang tema ng balemtayms para naman bago at hindi pagsawaaan ng lovers all over the planetarium.
(1) imbes na puso ang simbolo bakit hindi gawing circle, simbolo din ng pera, at pag may pera, may GIFT!
(2) imbes na pula ang in na kulay bakit hindi na lang gawing pink tutal pink is the new color of love., sabi ko. Charing!
Pwede diba? Shoot in the vase! Mangyayari rin ito pag naging senador na aketch. Itanim niyo sa gulaman. Isa lang naman ang wish ko ngayong balemtayms, ANG HUWAG MADISCRIMINATE ANG MGA SINGOL. Ang balemtayms ay para sa lahat hindi lang para sa may kachukchakan cheines. WALANG MASAMA SA PAGIGING SINGOL. Kaya sa mga singol wag kayong masyadong mangunsumi. Keri na lang. Galing yan sa dating singol na ngayon ay dobol na.
Filed under: layp, love | 2 Comments »
My Person”S” Of The Year
Posted on January 5th, 2008
Tradisyon ko na every year ang magkaroon ng person of the year. May kabuluhan naman yun, hindi lang para magmukha akong nag-iisip.
Dahil sabi ko nga na maganda naman ang naging two-oh-oh-seven ko kaya limang tao ang napili kong PERSON OF THE YEAR.
Sila ang mga MAIN UTAWS na in their own big/little ways sobrang nakapagpainspire at nakapagpaligaya sa buong two-oh-oh-seven ng abang divang kagaya ko. Laging nandiyan na parang stalker. Kasama sa saya at saya at saya, sige na nga pati na din sa lungkot. Sila ang mga taong nag-impart ng kung ano-anong chovarloo para masabi kong I AM A MUCH BETTER PERSON ngayong two-oh-oh-eight. I LOVE THEM ALL! Kung pwede lang silang ipreserve para habang-buhay ko na lang sila kasama. Read the rest of this entry »
Filed under: buhay ko, featured utaw, layp, prenships | 14 Comments »
