top ten no.005

Posted on December 30th, 2007

 

JOJITAH’S TOP TEN WAYS TO CELEBRATE NEW YEAR

 

10

Maghanap ng square na prutas imbes ng bilog.

9

Give gifts lalo na sa may gawa ng entry na ito.

8

Makipagbati sa kaaway, pero ibala muna sila sa kanyon.

7

Ngumuya ng watusi ng paliguan ng swerte.

6

Huwag maligo para mangamoy PUTOK.

5

Gawing bling-bling ang 5star, judas belt at super lolo at sabay-sabay sindihan.

4

Tumalon sa building pagsapit ng 12midnight para tumangkad.

3

Ibala ang underwear na polka dots sa kwitis.

2

Magsuot ng butas-butas imbes na polka dots.

1

Baligtadin ang butas-butas na suot na damit para hindi tamaan ng ligaw na bala.

 

For Men: Mag-Ingat Magpapautok! Beeter Safe than sorry. *wink wink*

For Girls: Mag-ingat Maputukan! Better Delayed than Preggy. wahahaha! *wink wink again*

HAVE A!

 

 

 

Filed under: jojie's top10 anik | 16 Comments »

top ten no.004

Posted on December 3rd, 2007

Namiss kong gumawa ng topten anik-anik ko. Kaya eto na, ang nagbabalik na Jojie’s Top Ten Anik na galing sa aking mahiwagang banga.

JOJITAH’S TOP TEN WAYS TO HAVE A MERRY… GALO

gift

Read the rest of this entry »

Filed under: jojie's top10 anik | 11 Comments »

top ten no.003

Posted on September 20th, 2007

JOJIE’S TOP TEN GREATEST FEAR

 

10. Lahat ng uri ng SNAKE pwera lang dun sa isa ang mata.

9. Mumu. Basta takot ako sa mumu.

8. Biglang mapipi at mabingi, parang hindi ko ata type ang maging deaf and mute diva.

7. Magising na kalbo at hindi na tutubuan ng buhok ever – sa taas ha.

6. Abandonahin ako ng lahat ng mahal ko sa buhay.

5.Dumating ang panahong wala na akong mauutangan ng salapi, ibig sabihin madami ng mas mahirap pa sa’kin.

4. Madapa habang tumatawid.

3. Viruses na wala pang lunas.

2. Makakita si manong ng mas diva pa sa akin.

1. Hindi magkaroon ng junakis.

Filed under: jojie's top10 anik | 4 Comments »

meme na

Posted on September 11th, 2007

Love na love ko ang meme-slash-tag chuva na ito. Feeling ko assignment ito na kailangan kong karerin, nageenjoy naman ako. Pero teka, isa-isa lang ang pagtatag ha, baka mapagtataga ko kayo pag nataranta ako.

Tinag ako ni pards AZRAEL kahapon lang, tamang-tama at kinakalap pa ng naghihingalo kong brain ang gusto kong i-blog kaya pansamantala tags tags baby muna ang mga eksena.

TEN THINGS I HATE (OR LEAST LIKE)

FOOD: Hindi ako maarte sa pagkain, mabubuhay ako sa bundok o kahit sa Mars basta walang ATAY. Diko trip ang kalasahan parang lasang lupa. OO, nakatikim na’ko ng lupa.

FRUITS: Ayaw ko ng KIWI para ring okra ang lasa.

VEGGIES: Nilalakad ko na sa kongreso na i-ban ang OKRA.

PEOPLE: S-N-O-B-S. Kasupladuhan/Kasupladahang wala sa lugar. Sama na din yung mga Grouchy. Matataray/Matataroy na wala sa lugar [din]. HYPOCRITES. [others, see: pet peeves].

EVENT/SITUATION/INCIDENT: Asarang nauuwi sa pikunan. Monthly period, pahirap sa buhay. LBM sa unexpected places. Biglaang pag-ulan na wala akong dalang payong. Kalampahan moments ko.

TV SHOWS/MOVIES: Home TV Shopping, pinaglalaway kasi ako.

MUSIC: Hard Core Rock at SOME novelty songs.

HOUSEHOLD CHORES: Maglaba at Magplantsa, parehong nakakakuba.

THINGS AROUND THE WORLD: Breakout ng kung ano-anong sakit. [e.g. AIDS, SARS CANCER Birds Flu, Biological Viruses]. Poverty. Racism.

THINGS ABOUT MYSELF: Aloofness. I hate myself pag nagpi-PMS ako.

Finish! Kailangan ko din daw mag-tag pa ng iba e mukhang nai-tag na lahat. Etong dalawang D na lang, dhey at dilan.

Filed under: jojie's top10 anik, tags | meme | 1 Comment »

top ten no.002

Posted on September 1st, 2007

TOP TEN GESTURES THAT WOULD MAKE JOJIE SMILE

joke10. Magpatawa kahit corny, kahit green o kahit yung walang kaeffort-effort. Suki yun ng jokes.

9. Give her gifts kahit simple lang kagaya ng diamonds, house and lot, sportscar, ipod, latest model ng cellphone.

8. Ilibre mo siya period. Kahit anong libre.

7. Don’t forget to greet her on her birthdays, di bale ng makalimutan mo siya sa pasko, bagong taon, araw ng mga patay at holy week wag lang sa birthday niya.

6. Tawagin mo siya sa terms of endearment kagaya ng chaka, taba, lukaret, bakla, bruhilda, etc., para ng kikikiliti sa pwet yun.

hug5. Hug her every once in awhile, di niya lang pinapahalata pero feel niya yun.

4. If she offers anything, huwag mong tanggihan kasi isusumpa ka niyang mabulag.

3. Compliment her once in every ten years. Make her feel appreciated kahit mukha siyang laging nakahithit ng katol.

2. Say HI or HELLO to her kahit paminsan, tinetreasure niya yun at itinatago sa kanyang mahiwagang baul.

smile1. Simply SMILE at her and she’ll gladly ang definitely smile back. Automatic na yun.

Filed under: jojie's top10 anik | 10 Comments »

top ten no.001

Posted on August 20th, 2007

JOJITAH’S TOP TEN REASONS NOT TO BE HAPPY

as of August 18, 2007

No. 10

    Kinukunsumi ako ng matandang dalaga-slash-dragon kong Boss, nasa menopausal stage     ata.

No. 9

    Ang pangit ko lately.

No. 8

    I am broke and I am not happy about it.

No. 7

    Ang baho ng boss ko [iba pa ito], dikit pa ng dikit.

No. 6

    Bad-hair day on a maximum level.

No. 5

    Konti pa lang ang ipinapayat ko, sobrang torture na sa pagdadiet.

No. 4

    Namimiss ko na ang mudra ko at ang gremlins [read: shofatid] ng buhay ko. Hindi pa             makauwi [refer to no.8].

No. 3

    Inaatake ako ng kung ano-anong virus.

No. 2

    Hindi ako makakain ng pizza [refer to no. 8&5].

No. 1

    Miss ko na si manong, gusto ko ng magpa-cuddle.

 

 

*sensiya na hindi updated

Filed under: jojie's top10 anik | 10 Comments »