xmas pighati
Posted on November 21st, 2008
Malapit na magbigayan ng 13th month pay at hindi ko alam kung paano ko siya gagastusin hindi dahil nakakalula siya sa laki ng halaga kundi kulang siya. As in. Promise. As ing as ing kulang talaga.
Gusto kong may mabili man lang sa sarili ko. Papremyo para sa isang taong paghahanap-buhay para makapagbayad ng kuryente, tubig, renta, intarnet at bigas. Dapat lang naman diba? Kundi baka mapagod ang self ko sa’kin at iwan ako. Luka-luka ang labas ng byooti kong nagmamaliw.
Filed under: i-rant mo jojie | 17 Comments »
repost diva
Posted on November 5th, 2008
Minsan pag nananalamin ako bigla akong natatakam sa siopao. Makakita ka ba naman ng siopao na mukha ewan ko lang kung dika magutom no.
Kailangan ko magdiyeta ng kaunti. As in kaunti lang naman, yung tipong maa-ICU ka na sa kakadiet. Echos lang siyempre. Pero seryusli, talagang magbabawas ako ng timbang. Oo na. Pitumput pitong puting tupa beses niyo na tong narinig sa’kin. Hindi naman sa hindi ako seryoso magpapayat no. Sadyang binigyan lang talaga ako ng Diyos dilang nagpo-produce ng sarili niyang vetsin.
Heniway hemmingway, ang totoo wala talaga akong maitalak ngayon. pero hindi naman halata kasi nakadalawang paragaraph na’ko no. Gusto ko lang ulit mag-repost. Ang henyo ko no. Repost diva yata dapat ang itawag sa’kin. Lol!
Natawa ako dito sa entry ko na to way way way way backlush pa na hinalungkat ko sa baul ng lumang post ko sa friendster blog ko.
Hala basa!
Filed under: chovarloos!, i-rant mo jojie | 18 Comments »
sa takdang panahon
Posted on October 25th, 2008
Kahapon dumaan kami sa Mall bago umuwi galing sa bertday partey ng asawa ng aming big boss. Pag dumadaan akong mall hindi pwedeng hindi ko isightsiva galore ang mga tindahan ng lappie. Napabuntong-hininga na lang ako na kasing lalim ng balon ng kapitbahay namin. Yaan niyo na, mas glamorous naman yun kesa nagpupunas ako ng laway na parang asong ulolers.
Hindi ko alam kung kailan ako makakabili ng lappie. Selepono ko nga hindi ko mapalitan heto at nangangarap pa akong mag-level-up agad. Hindi ko naman sinusukuan na makakabili ako ng laptop for my byutiful self balang araw. Ang malupit na tanong ay bagay ba sa’kin ang may laptop? KAILAN nga?
Filed under: atik, anda, anju!, i-rant mo jojie | 22 Comments »
kahirapan rantings at awardtsina
Posted on September 7th, 2008
Nine years ago ng halos maloka ako kakaisip kung paano na kung magunaw ang mundo sa year 2000. Lech! Kung alam ko lang na hindi pala totoo yun edi sana nagpursige akong yumaman. Feeling ko naman kasi hindi ko mabibitbit ang kayamanan habang busy ako kakatili dahil nagugunaw na ang mundo. Kaya eto ako ngayon mahirap pa sa hamster, sino ang dapat kong sisihin? ang false prophecy o ang kashungahan ko? Ok wag na kayo sumagot. lols!
Nine years later naloloka pa din ako hindi dahil magugunaw na ang mundo kundi dahil hindi na’ko yumaman. Sadya bang reklamadora lang ako pero kulang sa gawa o puro gawa pero talagang dapat akong magreklamo? Parang ako naman ang pinakamahirap na nilalang kung makapagreklamo ako. Hallleeerrrr!!! Tuyo nga ang ulam ko 3x a day pero may internet naman ako dito sa bahay. lols!
Ang punto ko lang mahirap talaga ang buhay dito sa pilipinas, parang natatanggap na ng kalooban ko na mahaba-haba pa ang ipagtitiis ng pilipino para “medyo” umangat ang antas ng pamumuhay natin. Siyempre hindi ito alam ng mga totoong mayayaman, feeling nila ang oh-oh-A ng mga nagrereklamo sa hirap. Oh well papel sana magkaroon ulit paggunaw-ng-mundo news flash, para naman matanggap ko ang kalagayan kong mahirap pa sa hamster pero may internet sa bahay. Oh what a life!
————
Matagal-tagal na din akong hindi nakakakuha ng award. Laostsinang matanda na ata ang beauty ko. Nyahahaha! Natawa ako sa sinabi ko inferness. Heniway… Salamat kay byootiful at ubod ng puting si rai for the very very very nice award. I badly need this dear dahil bagsak ang aking self-esteem!

I am awarding this to my cyber amigas malen, pusa and maru. I love your blogs dearies kahit hindi halata. lols.
Filed under: i-rant mo jojie, jojitahness | 15 Comments »
jeep nah!
Posted on August 6th, 2008
Hindi ko na talaga matatakasan ang pag-ji-jeep, pwera na lang kung bibili ako ng limang kotse bukas. Echos! Ewan ko ba, nagiging stressful na sa’kin ang pagko-commute kahit na less than 10minutes [minus the traffic] away lang ako sa opis. OA ba’ko? Madami na din naman kasi akong not-so glamorous experience sa pagco-commute na hindi ko na iisa-isahin dahil ayoko ng ilugmok pa sa kahihiyan ang akung byutiful self.
Kanina lang umaga pinandilatan ko yung jeepney driver na nasakyan ko dahil kulang ng singkwenta sentimos yung sukli sa’kin. Na-highblood talaga ko sa halagang singkwenta sentimos. Cheapangga na kung cheapangga no! Buti nga sila pwedeng magtigil pasada para lang makapag-taas ng pamasahe. Hmpft!
Hindi ko alam pero hindi maganda ang vibes ko ngayon sa jeepneys in general, pero wiz ko naman pwedeng awayin at kamuhian sila habang-buhay no dahil utang ko pa din naman sa kanila kung bakit ako nakakarating sa kung saan-saan.
Howel, mataas lang siguro ang presyon ko lately sumasabay sa pagtaas ng gasolina.
Filed under: i-rant mo jojie, jojitahness | 3 Comments »
STRESS DIVA
Posted on July 29th, 2008
Alam niyo ba na ang breakfast at lunch ko ay STRESS? Totot yan! Napaliligiran ako ng sandamakmak na stress. Work-related stress, financial stress, emotional stress, physical stress, political stress, pressurized stress, romantic stress, three-years-ng-walang-pedicure stress at stress out of stress.
WOW! I ACTUALLY HAVE A VERY STRESSFUL LIFE!
Feeling ko pag nawala ang stress sa buhay ko para akong nabiyuda. Seryusli, malapit na akong dumating sa point na maadik na ako sa stress. Yung tipong magsisigaw ako sa gitna ng kalasada ng ganito:
“STRESS! STRESS! I NEED STRESS! GIVE ME STRESS!”
O diba kabog lahat ang lukring sa balat ni mother earth. Pwede na akong stress diva. Pero siyempre ayaw ko naman mangyari yun no! I am supposed to be the great divaness yung malayo pa lang nagniningning na, na parang may suot na sequined gown. So I am for the battle of this STRESSESESESES in my life. Kung paano ko gagawin yun e hindi ko pa alam. Lol!

Buti na lang merong kape at vicks vaporub para umagapay sa akin sa araw-araw [hindi ito commercial!]. Pansamantala nilang naiibsan ang mga paghihirap ko isang higop at singhot lang [higop sa kape at singhot sa vicks, hindi higop sa vicks at singhot sa kape ha!]. Para akong naka-redbull sa combo ng dalawang yan. Yan muna siguro ang magiging pansamantalang solusyon ko sa linsiyak na stress na yan habang wala pa akong pang-around-the-world at pang-shopping till I become drop dead and gorgeous. Lol!
Filed under: buhay ko, i-rant mo jojie, jojitahness | 11 Comments »
ang yabang mo!!!
Posted on May 23rd, 2008
Natatamad ako mag-post ng masaya, kaya magmamaldita na lang muna ako. Nag-ikot ako, oo! nag-bloghop, at nabad-trip na naman ako. Ewan ko ba andaming nagkalat na mayayabang sa mundo. Yung tipong gusto mong ipakain sa pating sa sobrang kayabangan o kaya naman ipakaladkad mo sa tren mula Maynila hanggang Bicol.
Sa sobrang imbiyerna ko malapit ko nang pangalanan ang kinaiinisan ko kesehodang maghalo ang suka’t ebak.
*breathe in, breathe out*
Filed under: curler turner, i-rant mo jojie, jojitahness | 24 Comments »
