pader, are you busy?

Posted on October 30th, 2008

Magalit kaya ang tatay ko pag hindi ko siya dinalaw ngayong darating na undas? Halleerr… Siya kaya hindi dumadalaw. Echos lang! Wag naman sana. Takot ako sa mumu, lalo na pag tatay ko. Baka kasi masermunan ako kung bakit sumusunod ako sa yapak niya pagdating sa katakawan. E siyempre alam na alam na niya by now na madaming kakambal na sakit ang katabaan. Kaya nga nagkabara-barado ang puso niyang akala niya puso ng saging at hindi tatamaan ng sakit.

Sana naman ipahimas ni San Pedro ang manok niya sa tatay ko para naman ma-busy siya. Ok lang naman kahit i-miss call na lang niya ako, pramis hindi ko talaga sasagutin kasi baka maubos ang load niya. O kaya text niya ako ng “wer u na? pnta b u s pn2d q?” e siyempre hindi ako magrereply hangga’t hindi niya ako pinapasaload no.

Read the rest of this entry »

Filed under: featured utaw, okasyon | 20 Comments »

dahil birthday mo…

Posted on May 20th, 2008

Dahil birthday mo…

Titigilan ko muna ang pagtawag sayo ng malandi.

Dahil birthday mo…

Hindi muna kita tatangkaing bugbugbubugin.

Dahil birthday mo…

Pass muna tayo sa lahat ng imbiyernang nuno sa punso sa paligid natin.

Dahil birthday mo…

Hindi ko muna kukwestyunin ang gender mo.

Dahil birthday mo…

Gagawin ko muna ang iba mong trabaho dahil pinili mong tumakas mag-leave.

Dahil birthday mo…

Papagbigyan muna kita ng tawaging cute ang sarili mo, at titiisin ang kakapeace sign mo.

Dahil birthday mo…

Winiwish ko lahat ng wish mo sa buhay mo kahit weird lahat ng yun.

Dahil birthday mo…

Hindi ko sasabihing may you have many more birthdays to come dahil korni yun.

Pero.

Kahit birthday mo…

Hindi ka dapat magpakakampante dahil iinisin ka pa din naming lahat na nagmamahal sayo kahit hindi halata.

Kahit birthday mo…

Hindi pa din mapipigilan na maging 8.00php ang minimum fare ng jeep.

Kahit birthday mo…

Hindi pa din BABAIT ang IBANG TAO.

Keri na.

BIRTHDAY MO NAMAN.

HAPPY BIRTHDAY SA KAMBAL BRASO KO!

Malapit mo ng maachieve na malampasan ang pagsubok bilang kaibigan ko. Bilib ako sa’yo dahil wala kang angal kahit masahihin mo ang paa ko.

Kahit gusting-gusto mo ng manood ng TV. Lol!

Friends siguro tayo kasi pareho tayong camera whore. Lamang ka lang sa akin ng 5shots.

Salamat sa friendship Menggay. Huwag kang mag-alala dama ko. =)

AY LAB YU!

Dahil birthday mo…

Huwag mo muna sana akong singilin sa utang ko sayo.

Filed under: behind my sexy back, curler turner, featured utaw | 5 Comments »

maders day

Posted on May 11th, 2008

Hindi ko alam kung mapupuri o masasabunutan ako ng nanay ko sa entry na ito dahil tribute ko sa kanya ito dahil op kors maders day. Pero nagmumukha namang panglaman siya dito sa blog kong naghihingalo sa unique post.

Yun na nga maders day ngayon. Hindi ako lumaki na big deal ang maders day kaya hindi ko alam kung paano ako magpupugay sa babaitang umire-ire para magkaron ng diva sa mundong ito. Pero alam ko namang kinikilig-kilig ang pwet ng nanay ko pag binabati namin siya tuwing maders day, hindi niya lang pinapahalata.

Wala pa akong alam sa pagiging nanay. Theoretically siguro kasi technically hindi pa naman ako nanay. Pero kung ang nanay ko ang titingnan, ang pagiging nanay ever ay madaming aspeto, levels at nageevolve din sa paglipas ng panahon. Amazing. Siguro ang pagiging ina na ang pinaka-noble na profession sa buong mundo. Hindi ko nga alam kung magiging isa akong mabuting nanay balang araw. Pangarap ko yun e. Wish ko lang kaya ko, gaya ng nakayanan ng nanay ko.

Happy Mother’s Day Violeta! At dahil lab kita gagawin kitang mail order bride. Lol!

Name: Violeta

Nickname: Violy, Vio, beeyule

Height: 5’4”

Weight: Featherweight division

Age: Never mind

Sa mga nagagandahan sa nanay ko na forenjer na obviously hindi naiintindihan ang pinagsasabi ko ngayon dahil obviously ulit na isa lang ito sa kaechosan ko. Email me your resume with matching cash or paypal donation. Lol! Joke lang… Baka batukan ako ng tatay kong nananahinik na sa kabilang buhay.

O heniway, Happy Mother’s Day din sa lahat ng Nanays, expectant nanays, future nanays, feeling nanays at wishing nanays.

Filed under: behind my sexy back, curler turner, featured utaw | 10 Comments »

My Person”S” Of The Year

Posted on January 5th, 2008

Tradisyon ko na every year ang magkaroon ng person of the year. May kabuluhan naman yun, hindi lang para magmukha akong nag-iisip.

Dahil sabi ko nga na maganda naman ang naging two-oh-oh-seven ko kaya limang tao ang napili kong PERSON OF THE YEAR. Sana naman senyales ito na gumaganda na ang ugali ko dahil dumadami na ang nagdididikit sa akin.

Sila ang mga MAIN UTAWS na in their own big/little ways sobrang nakapagpainspire at nakapagpaligaya sa buong two-oh-oh-seven ng abang divang kagaya ko. Laging nandiyan na parang stalker. Kasama sa saya at saya at saya, sige na nga pati na din sa lungkot. Sila ang mga taong nag-impart ng kung ano-anong chovarloo para masabi kong I AM A MUCH BETTER PERSON ngayong two-oh-oh-eight. I LOVE THEM ALL! Kung pwede lang silang ipreserve para habang-buhay ko na lang sila kasama. Read the rest of this entry »

Filed under: buhay ko, featured utaw, layp, prenships | 14 Comments »

diva’s boss

Posted on December 20th, 2007

 

Dahil sobra-sobra na ang exposure ang ibinibigay ko sa boss kong porn-addict, oras na siguro para bigyan siya ng mukha. Aktwali pabor pa nga itong gagawin ko sa boss ko dahil gagawin ko siyang cute na nilalang pero sa totoong buhay hindi mo masisipat kung nasaan ang cute sa kanya.

Presenting… Read the rest of this entry »

Filed under: featured utaw | 10 Comments »

Sinong tatay ko?!

Posted on October 27th, 2007

Dahil hindi ako predictable kaya ko napili itong aking featured utaw. Hindi dahil undas kaya ko naisip na i-feature siya ha. Hindi talaga. Pramis.

Para sa aking 2nd featured utaw, ang responsable kung bakit may divang kagaya ko sa mundong ito, ang donor ng semilyang bumuo sa akin, ang unang chumukchak sa mother diva, ang former haligi ng aming nakakalokang tahanan walang iba kundi si…

MARIO aka BALOT aka KA MARIO aka MARIONG HUBAD

Ang aking papu, pudra, padir, tatay, daddy, papa, ama, father.

Hindi ko alam kung anong atake ba ang gagawin ko sa entry na ito dahil hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang pinakanamimiss kong tao sa buhay ko ng hindi nagiging masyadong madrama. Ayoko namang alalahanin si daddy ng may lungkot pa din at gusto kong bigyan siya ng bonggang tribute. Sige na nga, wiz na’ko mag-isip pa ng style o diskarte basta magkukwento na lang ako.

Grade 3 lang ang naabot ng tatay ko na lumaki sa pagbubukid, hindi ko talaga alam kung choice ba niya talaga yun para makatulong sa kanilang quite big na family. Sampu kasi silang magkakapatid, alam niyo naman noong araw paggawa ng baby ang libangan, at pangalawa sa panganay ang tatay ko. Hindi malinaw sa akin kung bakit ang tatay ko hindi na nagpatuloy sa pag-aaral, 8 out of 10 sa kanila nakatapos. Feeling ko hindi naman talaga niya gusto yun, kasi matalino ang tatay ko. Hindi mo magugulangan sa Math yun kahit na hirap siya magsulat at magbasa hindi naman siya papatalo pagdating sa Math. Siguro naging isang magaling na Engineer ang tatay ko kung sakali.

Bukod sa saksakan ng hilig sa pulitika ang tatay ko sa kanya ko yata namana ang pagiging korni patawa. Madaming jokes at kwentong barbero na minsan nagsasawa na kami kasi paulit-ulit niya kinukwento. Akala niya kasi sa jokes niya kami natatawa pero ang totoo sa kanya kami natatawa, para kasing 5000x inire ng lola ko sa kulit. Hindi din papatalo sa debate, weird na words of wisdom at nakakalerky na teyorya.

Read the rest of this entry »

Filed under: featured utaw | 8 Comments »

marjohn

Posted on September 21st, 2007

Matagal-tagal na din pala ako sa WP pero wala pa akong naikukwento tungkol sa mga utaw ng buhay ko bukod kay manong ko. Hindi naman ako biglang naging si jojie the diva lang kung walang tao sa likod ng kumikinang kong ka-divahan, kaya nararapat lamang na bigyan ko sila ng espasyo dito sa aking humble abode. Pero isa-isa lang muna kasi hindi naman kaya ng powers ko pagsabay-sabayin sila no.

For my first utaw, na nagbibirthday today [this is some sort of a birthday tribute na din] I want you all guys to meet my baby brother that is no longer a baby.

MARJOHN

 

marjohn at si divaAng aming unico hijo, the thorn among the gumamela, kalachuchi at makahiya. Ang bunso ng aming pamilyang pandangal. Ang prinsipe namin.

Akala nila mamu at papu hindi na sila makakalalaki dahil tatlong bilat ang sunod-sunod nilang naproduce, pero dahil sa ayaw sukuan ni papu at sa paghahangad na din mapadami pa ang apelyido niyang hindi kagandahan e nakuha na din nila sa tyaga at nabuo din nila etong baby brother ko that is no longer a baby.

Read the rest of this entry »

Filed under: featured utaw | 13 Comments »