Archive for 'conversations'
May magkakapatid na magkakaiba. Sa kaso ko, parang walang masyadong pagkakaiba, parepareho kaming magkakapatid – na tralala.
Isang mainit na tanghali habang nanonood ng ASAP XV {kailangan daw talagang may XV}:
Jojitah: sino nga yang babaeng yan? *tinuro ng nguso ang babaeng kumakanta*
Sisterette 2: yan yung nasa intervention.
Jojitah: ano?! Baka six part invention!
Ang pangit ng [...]
MInsan lang talagang nakakalimutan ko na Boss ko ang kausap ko.
Boss: Hindi talaga ibibigay lahat sa isang tao no, tingnan mo na lang si Kris {Aquino}.
Jojitah: Oo nga po! Olats talaga yang si Kris pagdating sa chubachuchu.
—
Isang mabilis na shoutout pala kay sooper fab Burenjeng na na-meet ko noong Saturday.
This is from my tumblr with lab.
*para-paraan lang para sa entry marathon na itech. Hahaha!
Selepono conversation with my brother that never sleeps.
Jojitah: o ano kumusta ka na diyan?
Brother: wala nakong pera ‘te, 24hours na akong di kumakain.
Jojitah: basta nainom ka ng tubig, three days ka pa bago mamamatay.
Uliran akong ate. IKR.
this is the story of my life sa mata ng mga katrabaho ko. sad but true.
Sisterette 1: Ano ang masasabi mo sa mga nagsasabi na bading ka?
Baby Brother: Mga showbiz lang sila.
Wahahahahaha!
~~~
Disclaimer na defensive
Hindi pa napapatunayan na juding ang Baby Brother ko kaya huwag kayong mag-jumping-rope into conclusion diyan.
Mga simpleng banat.
Opismeyt1: si Henry Sy at Lucio Tan pala ang pinakamayaman ngayon dito sa pinas no?
Opismeyt2: Oo nga, pang third na lang yata ang mga Zobel de Ayala. Third ba o fifth?
Jojitah: Pansin niyo. Walang purong pinoy na yumayaman talaga dito.
Opismeyt2: Meron. Si Arroyo.
Nice one opismeyt 2! Wooohoooo!