sanblogospheran ngayon

Posted on May 7th, 2009

Tamad na akong magblog-hopping. Madami na din naman kasing mga blogger na naglie-low na sa pagbablog. At saka pakiramdam ko medyo naapektuhan na din ng Global Warming ang sankablogospheran. Andaming isyu lep and ryt. Andaming bangayan up and down. May labeling na din ata. Grupo ng ganito, grupo ng ganon, grupo ng ganyan. Parang nagiging gangsters world na. I miss the old blogging cheines days. Yung walang masyadong pollutants. Everybody is wishing everybody happiness. World peace ang drama. Ngayon wala na atang ganun. Strange.

Read the rest of this entry »

Filed under: blog layp, sanblogospheran | 4 Comments »

GINAGANAHAN NA ULIT

Posted on April 24th, 2009

Sa mga loyal kong readers kung meron man {praise the Lord!} binabati ko kayo sa balde-balde ninyong pagtiyatiyagang abangan akong parang merong pagkaka-utang sa inyo. Sa totoo lang kahit nagpapanggap akong may pinatutungkulan ng pinagtatalak ko ngayon hindi ko mapigilang matats na may mga natitira pang bumabalik-balik sa balaytsina ko kahit na pinamugaran na ng lamok sa pagkaka-stagnant. Sos naman pagbigyan niyo na ako sa ilusyon. Ke ilusyon ke hindi – thank you so much!

I’ve got good news sa pans kong dating tatlo pero ngayon negative tatlo na. Bumabalik na ang gana ko sa pagtalak. Tatapusin ko na ang pagkarir sa pangungunsumi kung bakit wala na akong igaganda pa. Charing! Ganun lang siguro ang buhay {read: mga babae} hindi maispeling.

Hindi ko na maiiwan ang blogging. Magpapahinga lang siguro ako {ng matagal} pero babalik at babalik pa din ako. Parang old dogs die hard. Lol!

Filed under: blog layp, sanblogospheran | 1 Comment »

NAGBIBIHIS…

Posted on April 23rd, 2009

ANG BLOGTSINANG ITECH.

Sorry for the ingconbinyence.

Filed under: blog layp | No Comments »

year-end bummer!

Posted on December 30th, 2008

Arrgh! Arrgh! As in major arrgh!!!

Nasira na ng tuluyan ang desktop PC na ginagamit ko sa bahay. Hindi ko alam na may extension ang kamalasan. Parang utot na pahabol. Sows! Kasingit lang sa pagbablog sa lappy ni sister. Kung kelan pa naman ganado akong tumalak ng kung ano-anong chuwariwap.

Howel, tuloy pa din sa pagbablog. Pasensiya na nga lang kung hindi ako makaikot at hindi makareply sa mga comments. Please bear with me carebears, pipilitin kong irevive ang buhay ng PC kong de uling.

Anyhoo, hayaan niyong batiin ko kayo ng…

MASIGABONG BAGONG TAON!!!

See y’all next year!

Filed under: blog layp, okasyon | 6 Comments »

andito na ver. 2

Posted on December 23rd, 2008

Walang pakealamanan kung may kakambal yung nauna kong post. Ay sows. Minsan lang naman ako mag-adik sa pagpopost kaya sasamantalahin ko ng ganado sa pagtipa ang mga daliri ko sa keyboard at ang bibig ko sa pagnguya ng magic flakes.

Nagbloghop ako kanina at karamihan sa mga bloggers na pinupuntahan ko naka-hiatus mode din. Holiday break ekek. Nakakatuwa kasi namiss ko ang ilang bloggers. Although may apat naman akong binabasa nung pahinga days ko. Masarap pa din maki-tsismaks sa buhay-buhay ng utaws. Napangiti, napatawa, napanganga, napakunot-noo at nainspire pa din ako ng mga ilang bloggers.

Blogging still has that loving feeling. Good. *big grin*

Nakapagpalit na din ako ng kurtina. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanang ang drama ng layout ko ngayon. Basta it says something. Kung ano man ang something na yun tingnan niyo na lang sa horoscope.

Dito ko na tinatapos ang “andito na” post na ito. Ang korni kasi. Yak.

Gusto ko lang naman idiin na I’M BACK.

Filed under: blog layp, buhay ko | 7 Comments »

andito na ulit

Posted on December 23rd, 2008

Ano ang gagawin mo sa mahabang bakasyon lalo na kung wala kang atik, anda at anju? Ano fa?! Edi MAGBLOG!

I’M BACK!!!!!!!

Howel napaaga ang pagbabalik ko dahil obviously wala akong ibang pwedeng makabuluhang gawin kundi ang humarap sa computer kesa magbilang ng butiki sa bawat dingding ng bahay namin. Hindi ko naman pinangarap maging butiki-stalker no. Keri na. Magbalik sa blogging it is ang drama.

Sa totoo lang sa di lang totoo, gusto ko talaga palipasin ang holiday season bago ulit magtatalak dito. Ayoko naman kasing basagin ang trip ng mga taong maka-pasko. I have so many issues, madami pa sa issue ng tabloid isama mo na pati crossword puzzle. Kailangan ko lumayo muna sa lahat. Lumanghap ng polluted na hangin at lunudin ang kunsumisyon sa laksa-laksang kape!

Read the rest of this entry »

Filed under: blog layp, buhay ko | 4 Comments »

ay sows talaga!

Posted on December 2nd, 2008

Nag-upgrade ako ng wordpress pero kokonting plugins pa lang ang compatible. Hindi ko alam kung ilang beses akong napakamot sa ulo ka mula nung umupo ako sa harap ng PC.

Isa na siguro sa nakakapagbuhay ng dugo ko para ipagpatuloy ang self-hosted blogtsina na itech bukod sa atik, anda at anju ay ang maka-vajayjay-bleeding moment na pag-aayos ng lintik na scripts at codes. Ay sows! Ay sows talaga! Bumibilib talaga ako sa fighting pilit ko oo. Umuubra naman kahit papano. Lols!

Under kalukringan mode pa din ang blogtsina ko. Ini-enjoy ko pa kutingtingin kahit na parang wala namang remarkable na nangyayari. Kaya nga dinadaan ko na lang sa kwento e, dahil hindi halatang may ini-improve ako dito. Haha! Ay sows! Ay sows talaga.

Filed under: blog layp | 11 Comments »