Random No.008
I am not blogging much. I know. Isa akong napakagandang-tamad na blogger. Nakiki-uso ako sa kabusy-han ng mga utaws ngayon. Magpapanggap akong nagwawaldas ng pera. Keri na. Excited-excitedan na din with everything in between.
Madami din namang nangyari these past few weeks na as usual, irarandomize ko na naman ever ever ever. Pero hindi ito nangangahulugan ng umaarangkada na ang social life ko. Malayo pa yun sa reyalidad. Lol!
- Hindi ako natuwa sa New Moon. Hindi ko ginustong sabunutan si Bella sa pagkalukring niya; ibitin patiwarik si Jacob na feelinggero; batukan si Edward sa kaengotan. Hindi nila naantig ang kabaduyan sa katawan ko at hindi ako naimpress sa mga oversize na aso laging nakahubad at naka-pang construction na short. Hindi siya maganda pero hindi ako nanghihinayang sa 120pesos na ibinayad ko sa sinehan dahil naramdaman ko naman na hindi ako outdated this time. Oo, para lang sa social climbing ang lahat ng New Moon Movie effort ko. Lol!
- Walang natira sa 13th month bonus pay ko. Dati pa din.
- Maliit yung blouse na nkuha ko sa exchange gift. Keri na. Simbolo siguro yun ng pagpapayat. You know, parang sign. Ganun. Sayang ang ganda pa naman ng pagka-brown, hindi ko pa siya maisusuot sa ngayon. In three to four months maybe.
- Nga pala may tumblr na ako. Nakikiuso lang. Masaya pala. Adik pa din ako sa twitter pero hindi na masyado sa facebook, slight na lang. Tsaka may I try ko yung formspring.me. Ok lang, feeling ko aalikabukin din ang formspring account ko mga two weeks from now.
Pasko na next week. Titingnan ko kung magagawan ko ng parran maging masaya ang pasko kahit walang pera. Aja! Go go go agogo girl!
Owkay till next randomness post dearies. ![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.