wishes do come true
Malapit na pala talaga ang Pasko. Ow wow. Kung hindi pa napagtripan ng amungus ko ang pagkakabit ng kung ano-anong Christmas chuwariwap sa opisina naming maalikabok at nagtutuluan kapag umuulan e hindi ko pa mamamalayan. Konting tulog na lang talaga Pasko na.
Wala namang masyado ng epekto sa byooti ko kung malapit na ang Pasko. Deadma. Tinigilan ko na ang pagiilusyon na sa diwa ng Pasko natin mararamdaman ang simoy ng World Peace. Wala na excitement.
Pero sino ba ang niloko ko? Lelang ko malamang. Kaya lang naman wala ng dating sa akin ang Pasko ay dahil wala akong PERA. Wahahahahaha! Pera makes the Pasko merry. Dahil sinanay natin ang mga sarili natin na gumastos pag pasko. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan ng pag-uugaling ito ng sangkatauhan {any trivia?}. Pero ganun siya.
Pero hindi dahil wala akong pera at hindi ako excited sa darating na Pasko hindi nangangahulugang namatay na ang pag-asa ko sa wishes. Wishes do come true sabi ng mga bulalakaw. Kung dati hindi ako naniniwala sa wishes nagbago nay un mula ng madami akong nakitang taong natupad ang mga wishes nila kahit wala silang magic lampara.
Kaya seseryosohin ko ang pag-gawa ng wishlist. Sa dami siguro ng wishes ko kailang ko siguro bumili ng 300 pages na log book.
Kayo, may Christmas Wishlist nab a kayo?

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.