Magkakabalikan Si Robin at Vina

Muntikan ng mabawasan ng 37.50php ang sweldo ko sa susunod na payday dahil muntikan na akong ma-late kahapon. Saved by the grace-period bell ang byuti ko kahapon. Sayang din ang 37.50 kung nagkataon. Sa isang dukha ngunit magandang katulad ko malaking bagay ang 37.50 no.
Pero bakit nga ba ako muntikan ng nalate? E kasi nahimbing ako ng sobra, hindi ko narinig ang alarm ng selepono ko at hindi ko naramdaman ang ingay ng mga housematelaloo ko. Kung hindi pa ako ginising ng sisterette kong adik siguro hindi ako nakapasok dahil humaharok {humihilik} ang pwet ko habang napapanaginipan si ROBIN PADILLA at VINA MORALES.
Hindi ko nga alam kung ano ang significance ni Robin at Vina sa buhay ko na sa dinami-dami ng artista sila pa ang napanaginipan ko. Aksyuli mas gusto ko ang Shawie-Robin labteam noong araw, parang mas kinilig ako sa pataas-taas ng kamay ni Robin habang minamam-mam niya si Sharon. Wit ko type ang Utol-Kong-Hoodlum drama nila ni Vina.
Sa panaginip ko may tindahan daw kami at walang ano-anong lumapit si Robin na kasama si Vina na pangingiti habang siya ay nagtatatalak hawak ang - rubber shoes. Kesyo chinuchu daw sa kanya ni Vina na laganap na ang pamimirata ng rubber shoes with matching showing the rubber shoes into my pretty face. Ako naman starstruck sa Robin at Vina na mukhang eng-eng sa kakasermon tungkol sa karapatan ng original na rubber shoes.
Nakakaloka. Hindi ko naman sila mga paboritong artista at wala din naman sila sa listahan ng mga paborito kong lait-laitin ng walang patumangga. Wala din naman akong balak bumili ng pirated rubber shoes anytime soon. Hindi ko talaga maarok at mapagkonek-konek the dots kung bakit of all artistas in the whole wide world sila pa ang napanaginipan ko. Premonisyon ba ito? Na baka magkakabalikan pa sila?! *gasp!* Oheymgee!
May iba ba kayong interpretasyon sa panaginip ko? Enlighten me pulllllleeeeaaasssseee!

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
Maldito
on September 24th, 2009
kahit kailan hindi ko nagustuhan si vina…mukha pa kasi siyang lalaki keysa sakin.wahahhaha
replytsina
jojitah
Reply:
September 25th, 2009 at 12:13 pm
mas macho pa ata sa’yo si vina. hahaha! kayang-kaya kang bolchakin!
replytsina