Pang-Girlfriend
Adik ako sa mga quiz-quiz cheines ng Cosmo Magazine, lalo na kung mga ubod ng kakinky-han na quiz. Lol! Some of them are crap pero gora pa din ako sa pagsagot, nakakaaliw e. Mabuti na lang uso na ang intarnet dahil hindi na ako makabili ng Cosmo Mag ngayon dahil sa kahirapan ng buhay. Ipangbibili ko na lang ng bigas ang pambili ko ng magazine. Napakadakila ko talaga {anong konek?}.
At dahil today {saberday} is a very very lazy day indeed. May I sagot ako sa mga quiz ng Cosmo. Iniisip ko kung may kasama bang basbas ni Madamme Auring ang mga quiz nila dahil swak na swak talaga sa pagkatao ko ang mga resulta. Sows yan!
I took the “WHAT KIND OF A FEMALE ARE YOU?” quiz {wholesome ang blog ko kaya bawal ang kinky stuff, lol!} at eto ang lumabas na resulta:

Pasok sa vase! I am so laid back {read: tamad}, family oriented {read: walang social life} at romantic {read: corny}. Kaya ako naadik sa mga quiz-quiz na yan, para lang kasi akong nagpapahula sa Quiapo. Lol!

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.