TOP THREE SHOBEEZ CHUWARIWAPS: WEEK#2

Wala naman talagang masyadong ingay sa shobeez nitong nakaraang linggo. Isa lang ang para sa akin ang pinaka-bonggang-bongga na yumanig sa buong sangka-shobeezan {hindi ito ang pagkapanalo ni Pacyaw, esmyuskee} – ang sakalan este kasalang Juday at Ryan. Kaya Juday – Ryan Nuptial special ang aking Top Three Shobeez Chuwariwaps this week.

juday-ryan

#3
SURPRISE!

Sino ba ang hindi maloloka sa sobrang pagkasurprise-surprise sa pagpapakasal ng dalawang yan. Sos! Parang gusto kong maalimpungatan sa mga pangyayari. Pero inferness panalo talaga sa pagka-private ang wedding nila no. Hindi lang sila nanggulat gumawa pa sila ng shobeez history. Hindi na ako magtataka kung gagayahin ito ng ibang artistang gaya-gaya puto-maya ang kasalang itech.

#2
KASIMPLEHAN O KAKURIPUTAN?

Ayoko naman silang paratangang nagkuripot. Ayaw ko talaga. Hindi ko balak sulsulan ang ibang tao na nagkuripot si Juday at Ryan. Pero kung totoo man hindi ko sila masisisi dahil mahirap ang buhay. Recession age nga diba.

#1
FINALLY!

Nagulat man tayo ng bonggacious dahil pakiramdam natin naisahan tayo ng dalawang high profile na couple na ito pero alam ko naman sa kaibuturan ng mga puso natin e hindi na naman talaga tayo nagulat na nagpakasal na sila. Finally! Alam naman talaga natin na sa pagpapakasal ang tuloy ng dalawang yan, pinahaba lang ang prusisyon.

BEST WISHES JUDAY AT RYAN!

May you have many babies to come.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

Leave a Comment