SEO FRIENDLY

Sa tagal kong naghybernate para akong nagsisimula ulit sa pagba-blog. Lagi na lang akong ganito pagkagaling sa isang mahabang pahinga. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ba talaga ang pahinga sa akin. Parang mas productive ako pag sobrang ngarag, at saka parang mas kering-keri kong dalahin ang title na “ang babaeng walang pahinga” echos!

Balik blogging ibig sabihin balik hanapbuhay. Korek! Ang pagkita ng atik, anda at anjujuju ay ang major motivation ko para ibalik ang naglayas kong gana. Sa madali at mahirap na salita, PERA ang inspirasyon ko. Lol! Kaya kung madami man akong commercials dito ay matuwa kayo para sa akin dahil yan ang mag-aahon sa akin sa kumunoy ng kautangan.

Ang problema ko ngayon ay kung paano magiging SEO friendly itong blogtsina kong takot sa araw. Yun bang kahit anong itype mo sa search bar ng mga search engines e lalabas sa search results itong kapita-pitagan kong blog. E paano nga yun, bopols ako sa SEO chuwariwaps na yan ibidens ang pagiging PR setlog ko pa din hanggang ngayon.

Imfortant ang PR {page rank} para sa aming naghahanapbuhay blogging. E imfortant daw sa advertisers na yan. Kumbaga sa TV ang PR ang ratings. Kaso nga bopols ako sa pagmamarket ng blog ko {tsaka tamad na din. Lol!}. Sabi nila {sino yang nila na yan? Haha!} ang isa sa pinakamabisang SEO strategy ay ang wise na pag-gamit {pag-abuso} sa keywords na ginagamit mo sa mga entries mo. Sa kagaya kong ang puro echos ang laman ng entries e malamang hindi nga dagsain ng trapik itong blog ko, e sino ba naman ang maghahanap ng echos sa intarnet?

At dahil curious ako kung totot bang epektib yang keywords eklavu na yan kaya may I try ako ngayon.

Madam Auring Scandal
Bella Flores lawlaw panty
Pinay Scandal in Timbuktu
Mahal Nude Photos
Threesome with Mura

Pag hindi epektib yang mga keywords na yan ewan ko na lang. SEO your face! Lol!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES