GINAGANAHAN NA ULIT
Sa mga loyal kong readers kung meron man {praise the Lord!} binabati ko kayo sa balde-balde ninyong pagtiyatiyagang abangan akong parang merong pagkaka-utang sa inyo. Sa totoo lang kahit nagpapanggap akong may pinatutungkulan ng pinagtatalak ko ngayon hindi ko mapigilang matats na may mga natitira pang bumabalik-balik sa balaytsina ko kahit na pinamugaran na ng lamok sa pagkaka-stagnant. Sos naman pagbigyan niyo na ako sa ilusyon. Ke ilusyon ke hindi – thank you so much!
I’ve got good news sa pans kong dating tatlo pero ngayon negative tatlo na. Bumabalik na ang gana ko sa pagtalak. Tatapusin ko na ang pagkarir sa pangungunsumi kung bakit wala na akong igaganda pa. Charing! Ganun lang siguro ang buhay {read: mga babae} hindi maispeling.
Hindi ko na maiiwan ang blogging. Magpapahinga lang siguro ako {ng matagal} pero babalik at babalik pa din ako. Parang old dogs die hard. Lol!

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
taympers
on April 25th, 2009
abay dapat ka lang bumalik dahil liwanag ka ng blogosphere, charot! hahaha
taympers’s last blog post..bakit di mo ako sinundan para hanapin?
replytsina