KSP

May facebook account ka ba? May picture ka don? Isa ka ba sa naghuhurumentado na baka gawing cover sa notebook ang piktyores mo ng facebook?

Hindi ko ma-gets kung bakit madaming herodes ang super react ng tangkain ng facebook angkinin/ariin ang mga iniupload na piktyores ng masugid nilang members. O sige na human rights violation na kung human rights violation chuwariwap. Pero hindi ba kusang loob mo naman ipinaskil ang piktyores mo dun kasama ang nagmumura mong cleavage, lumuluwa mong goiter, oily fez at bad-hair day look?

Hindi naman sa kinakampihan ko ang facebook kaya lang hindi ba parang OA naman ata? E kung ayaw mo ma-violate edi huwag mo ipakita ang pagmumukha mo sa sanka-cyberan. Tigilan mo na ang pagpapaskil ng mga litrato na halos pare-pareho din naman ang pagkakakiling mo.

Ang tao natural na diyan ang pagiging attention whores. Kaya nga patok ang social networking sites na yan pati na din ang blogging kasi nasa dugo na nating human beings na maging KSP {kulang sa paligo} na tinatawag na ngayong freedom of expression. Lols!

Ako aminado akong KSP. Magpaskil ba naman ako ng naka-curlers na blue o diba ibang level na ka-KSP-han. Kaya kiber ko kung angkinin ng kung ano-anong social networking sites na yan ang mga piktyores ko. Sos! Idikit pa nila sa katawan ni Angel Locsin ang mukha ko wala akong pakielam. Haha!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

4 Comments

GugolNo Gravatar Windows XP Firefox 3.0.5  on March 11th, 2009



E papano naman Mommy Jojie kung magpanggap si Diego ng Bubble Gang na ikaw, gamit ang pichur mo? Payag ka pa rin ba? Ahahaha…

Kaya ako, wala ako gaanong pichur sa cyberspace. May pichur man ako, yung medyo baboy para hindi masyadong ma-insecure si Brad Pitt.

replytsina

pogingpayatotNo Gravatar Windows XP Google Chrome 1.0.154.48  on March 14th, 2009



pwes! inaari ko na ang picture mo! inaari ko! aariin ko! ari!

P.S.

mam jojie, parang buhol buhol na traffic jam ang layout ng comment page mo. hmmm baka browser ko lang ang mali.

replytsina

MahaliaNo Gravatar Windows XP Firefox 3.0.7  on March 18th, 2009



Korek, korek. Buti nga na papafeature sila, yung acne’d peysh ko di mapapaskil.

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Windows XP Firefox 3.0.7  on March 21st, 2009



sinabi mo! kung ayaw makopya, wez wag ilagay. actually, isa nga yan sa mali ko. tingnan mo ang ginawa nang impaktong Tim, yung baliw na kaaway namen na tiga London, at pinaskil nang pinaskil ang muka kong sabog ang ilong at tinawag tawag na cyberbully. wez, wa na akong magawa ateng. leche. punyettes. hahaha pero di bale. feed ang ADS ko hahaha

replytsina

Leave a Comment