Kung meron man akong ipagtatabi ng napaka-precious na pera these days yun ay ang pelikulang YOU CHANGED MY LIFE. Ito na ata ang pelikulang iniintay kong bubuhay sa pag-asa ko sa inaasam-asam kong and-they-live-happily-ever-after cheines.

Kailangan ko ng mga ganitong pelikula. Kailangan ko siya sa panahon na ito, na gahibla na lang ang paniniwalang ang pag-ibig ay para sa akin.

Kailangan ko ng makekesong eksena at ang mala-tutang kagwapuhan ni John Lloyd para mabuhay ang pag-asa ko. Kailangan kong maniwala sa peluka ni Sarah Geronimo. Kailangan kong maniwala na may power nga ang power hug.

At kailangan ko ng 200 petot para makapanood ng sine, so help me God.

Bookmark and Share