“Be careful what you wish for, you might get it.”

Ayan ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko mula pa nung isang araw habang gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil once upon a time on a far far away kingdom I wished na sana magkaroon ako ng mahabang bakasyon. At dahil naging isang mabuting butete ako nung past life ko grinant naman.

Voila! Bakasyon kung bakasyon! Extended ng two weeks ang bakasyon ko. Naapektuhan ng kung ano-anong recession ang kumpanya naming hindi masyadong knows {akalain mo yun?}. Ayos lang sana kung MADAMI AKONG DATUNG.

E ano naman ang susunod kong gagawin sa dalawang susunod na linggo? Ayos lang sana kung ok sa olrayt ang kundisyon ng PC ko dito sa bahay. Sa sinamang-palad, nag-aattitude siya at nagkakaroon lang siya ng buhay pag bored na siya sa pamamahinga at pambebelat sa effort kong i-CPR ang pesteng pyuter dito {oo pyuter kong hindi ko na gaanong mahal, minumura kita para masindak ka}.

Panawagan:

Sa mga generous and kind diyan sa side side, pwede kayong magdonate ng laptop sakin. Kahit hindi masyadong high-end pagtyatyagaan ko na. Echos lang. Try ko lang sumuntok sa buwan. Wahehe.

Eto lang naman ang mga posibilidad na pwede kong gawin sa mahabang bakasyon ko.

1. Palusugin ang kilay ko na parang linta, galit muna ako sa tiyane.

2. Mag-census ng butiki dito sa walong sulok ng bahay namin.

3. Sabunutan ang bunso namin hanggang makalbo. Hindi ako bad, strategy yun para hindi ako hingian ng pampagupit sa barberya.

4. Magplay-dead sa bandang 3:00 ng hapon para hindi mahingian ng pangmeryenda.

5. Mangarap na biglang manalo sa lotto kahit hindi ako tumataya.

6. Iwish na magka-wifi ang brain para makapag-blog kahit walang pyuter.

7. Ire-live ang kahibangan sa F4. Panoorin lahat ng concert nila kahit hindi maintindihan kung ano ang pinagsasabi nila.

8. Ilisyunin na maging kasing bangis ni Jessica Zafra, habang inuulit basahin ang Twisted 1 - 7.

9. Mag-isip ng resolution na matutupad.

10. Patulan ang mga batang may limang sungay sa Audition {nag-oonline game na’ko ngayon, sa lappy ng sister kong strictly for online gaming only}.

11. Isaisip na ang hindi pagba-bra ng matagal ay nakakalawlaw ng dede.

12. Mag-countdown sa pag-uwi ni manong

13. Piliting maghilod pag naliligo, isaisip na hindi ko kailangang magmadali.

14. Ubusin ang balakubak na residente na sa ulo ko.

15. Pigilan ang sariling mag-emo.

16. Sugpuin ang nalalapit na adiksiyon sa EVA FONDA.

Hephep hooray! I am still SANE. Akalain mong maka-gawa pa ako ng listahan na hindi listahan ng utang ko.

Bookmark and Share