Arrgh! Arrgh! As in major arrgh!!!

Nasira na ng tuluyan ang desktop PC na ginagamit ko sa bahay. Hindi ko alam na may extension ang kamalasan. Parang utot na pahabol. Sows! Kasingit lang sa pagbablog sa lappy ni sister. Kung kelan pa naman ganado akong tumalak ng kung ano-anong chuwariwap.

Howel, tuloy pa din sa pagbablog. Pasensiya na nga lang kung hindi ako makaikot at hindi makareply sa mga comments. Please bear with me carebears, pipilitin kong irevive ang buhay ng PC kong de uling.

Anyhoo, hayaan niyong batiin ko kayo ng…

MASIGABONG BAGONG TAON!!!

See y’all next year!

Bookmark and Share