andito na ver. 2
Walang pakealamanan kung may kakambal yung nauna kong post. Ay sows. Minsan lang naman ako mag-adik sa pagpopost kaya sasamantalahin ko ng ganado sa pagtipa ang mga daliri ko sa keyboard at ang bibig ko sa pagnguya ng magic flakes.
Nagbloghop ako kanina at karamihan sa mga bloggers na pinupuntahan ko naka-hiatus mode din. Holiday break ekek. Nakakatuwa kasi namiss ko ang ilang bloggers. Although may apat naman akong binabasa nung pahinga days ko. Masarap pa din maki-tsismaks sa buhay-buhay ng utaws. Napangiti, napatawa, napanganga, napakunot-noo at nainspire pa din ako ng mga ilang bloggers.
Blogging still has that loving feeling. Good. *big grin*
Nakapagpalit na din ako ng kurtina. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanang ang drama ng layout ko ngayon. Basta it says something. Kung ano man ang something na yun tingnan niyo na lang sa horoscope.
Dito ko na tinatapos ang “andito na” post na ito. Ang korni kasi. Yak.
Gusto ko lang naman idiin na I’M BACK.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
reyna elena
on December 23rd, 2008
OK, gurl! asan pamasko ko?! wag kang magtatago! alam ko zip code mo! hahaha!
Merry christmas gurl and wishing you the best of all the best that your guapong uragon will give you hahaha! Happy holidays!
replytsina
jojitah
Reply:
December 24th, 2008 at 10:02 am
eeeekkk!!! mudra!!! utang muna ang regalo hane. so broke… diko pa nalalampasan ang sumpa ng universe. hahaha!
merry christmas mudra dear! pengeng snowwwww!!!!!
replytsina