xmas pighati
Malapit na magbigayan ng 13th month pay at hindi ko alam kung paano ko siya gagastusin hindi dahil nakakalula siya sa laki ng halaga kundi kulang siya. As in. Promise. As ing as ing kulang talaga.
Gusto kong may mabili man lang sa sarili ko. Papremyo para sa isang taong paghahanap-buhay para makapagbayad ng kuryente, tubig, renta, intarnet at bigas. Dapat lang naman diba? Kundi baka mapagod ang self ko sa’kin at iwan ako. Luka-luka ang labas ng byooti kong nagmamaliw.
Pero sa dami ng pinaglalaanan at gustong mabigyan ngayong paksiw parang hindi ata mangyayari ang gusto ko. Hays. Hays. Isa pa. Hays. Gusto ko pa naman sanang bumili ng mabangis na digital camera. Yung 1.3 megapixel. Charing! O kaya iPod shuffle man lang. Pero mukhang masa-shuffle ang budget ko at makikita ko na lang sa digital calculator ang halaga ng perang makukuha ko.
Oh well dats layp. Nanamnamin ko na lang siguro ang libreng Ham na giveaway din ng kumpanya ngayong paksiw. Isipin ko na lang digital camera yun. Ngek!
![]()
Gusto ko palang magpasalamat sa mga awards na natanggap ko. Pasensiya na at hindi ako nakapagpagawa ng gown para sa red carpet at ispits. Maraming salamat Vhonne, Maru at Mam Glo.
Huli man at huli, huli pa din. Wala na akong papasahan ng mga awardtsinang ito. Selfish ako. lols! Akin lang yan lahat. Walang pakialamanan. Bleeh!




diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
joycee
on November 22nd, 2008
hay lahat nga ata ng nagpapakaaliping magtarbaho sa mg akompanya eh may ganyang sentimyento ngayong pasko.. ay gudlak satin!
replytsina