i’m back from nowhere
Kumusta naman ako?! Hindi ako nag hayeytus ekek mga dearies. Nawalan ng Internet dito sa bahay dahil sa “facility repair” ng Globe. Hanodaw? Ewan ko kung ano yun. Baka may nakuhang gorilya sa mga kable-kable kaya nasira. Sa totoo lang hindi ko naisip na under repair lang ang linya namin, akala ko talaga naputulan kami ng internet. Aba halos magdadalawang buwan na din naman overdue ang ang bill namin. Sagad-sagarang-overdue bayaran style kasi ang alam ko. Lol!
Kumusta naman kayo?! Sa totoo lang inihanda ko na ang sarili ko mawala muna pansamantala sa mad-blog world na itech. Kundi lang talaga kailangan ko kumita kahit papano dahil magpapaksiw na, e malamang ikonbert ko na ang maiksing aberya sa internet sa totoong hayeytus. Hindi ko naman kayo na-miss no. Hallleerrr. Lols! Echos lang siyempre.
Sana OK lang kayo. Ok lang din naman ako kahit hindi niyo naman itinatanong sasabihin ko na din. Wala lang. Plastikan lang. Haha! Sana maalog ko ang aking bungo para naman makadaldal ako sa inyo. Nasabik din ako dumaldal.
![]()
Nga pala salamat sa mga nag-komento ever sa naiwan kong post. Mga kinilig naman kayong hinayupak kayo o. Lols! Hindi ko na sinagot ang mga comments niyo panis na masyado baka sumakit na ang mga tummies niyo. ![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
madjik
on November 20th, 2008
welcome back! :p
yun lang walang mahabang speech!.
replytsina