spam you!
Bahagi na ng buhay blogging ko ang mga lintik na spam na yan? Kung totoong SPAM talaga sila malamang nakasalansan na sila sa estante para maipagyabang ko sa mga bisita na meron akong imported na de lata.
Para sa mga hindi pa nakaka-alam ng spam. Humingi ako ng tulong kay pareng wiki at ito ang kanyang makabagbag damdaming sagot.
Spam in blogs: posting random comments and random tips/ideas or promoting commercial services to blogs, wikis, guestbooks.
Ayan specific na talaga ang hiningi kong meaning kay pareng wiki, para naman minsan sa buhay ko nagpaka-specific ako {la lang, maisingit lang}.
Madalas ako magcheck ng spam messages ko, dahil kadalasan yung mga matitinong comments napapasama sa spam. HAM naman daw yata ang tawag dun. Bakit ba puro pagkain ang tawag? Hindi ba pwedeng brief pag sa spam at panty pag sa ham? Lol! May fixation ako sa underwears pasensiya na.
Sa totoo lang nagiging source ko na ng entertainment ang mga spam comments na nakukuha ko. Kayang-kaya akong patumbling ng 360degrees with matching back flip at cart wheel ng mga lintik na spam na yan. Gusto niyo ng sampol?
Dan | wza6e8ds@yahoo.co.uk | penis-bot.cn | IP: 200.76.250.44
Hi, all. Nice siteā¦I really like your site ! Good job man.t
Hallleeerrrr! I am a natural woman no! Lol! Tsaka masakit sa mata ang website ni Dan.
Ron | mn6ds@yahoo.co.uk | babe-movies.cn | IP: 123.218.38.225
I like this website. This website helped me with prayer learning. Good job. Thank you. Please provide more French prayers. Bye-bye.F
Inspirational namam pala itong blogtsina ko. Inferness gusto pa akong mag-lead ng prayer in French!
Robert | m0wz6e8ds@yahoo.co.uk | moms-video.cn | IP: 189.22.172.40
hochu vodki!
Hanodaw?! Alien talk.
how to make money online | info@digg.com | digg.com/music/How_to_make_fast_money_Tips_to_make_fast_money | IP: 82.146.49.61
Better to be despised for too anxious apprehensions than ruined by too confident a security.
Nagalit ata sa akin itong spammer na ito at gusong tumawag ng security. Lol!
Ilan lang yan mga dearies. Idinispatsa ko na nga din ang mga messages ni Obama at Palin. Pati na din ng kung ano-anong klaseng pussy cat at pangpalaki ng kargada. Ay sows! Kung di ka ba naman maloka.
Sa totoo lang mamimiss ko din naman ang mga lintik na spam na yan pag tuluyan na silang naglaho sa mother earth. Nakakabawas din sila sa stress ko no. They can invoke laughter in me. HANODAW?! Lols!
O kayo, madami din ba kayong spam ekek na yan?
![]()
- kung pwede lang i-ulam ang SPAM
- Random No.003
- hindi ako weird! charing!
- pacify your man
- Let’s Spread The Love And The VIRUS





November 7th, 2008 at 11:08 pm
hehehe uber millionaire na kamo ako wid so many pamana na ginibsung sakenethc nang mga tarantadong tiga nigeria! ang mga kupal andaming rikisitos mejor bago i-transfer ang wealth ko! leche sila! hmpt!
[replytsina]
November 8th, 2008 at 1:43 am
Haha.. may kakilala ako, ganyan ang trabaho.
Magbabasa ng mga popular blogs tapos magcocomment ng walang katuturan. Sa maniwala kayo’t sa hindi, it’s a very lucrative business.
San ka pa ba makakahanap ng trabahong nagpapakatanga ka na, binabayaran ka pa?
Ay oo nga pala, may call center. Oops, may mga tinamaan. Haha…
Huwag kayong magalit, di hamak na mas malaki pa rin suweldo niyo sakin. I deserve to make lait naman siguro as compensation diba?
[replytsina]
November 8th, 2008 at 5:54 am
nice post! it’s true na nakakainis nga sila pero minsan nga nakakawala ng stress.. hehe
[replytsina]
November 8th, 2008 at 9:53 am
wala ngang bumibili ng mga SPAM ko… araw-araw ko n lng itinatapon… pero bumabalik pa rin kinabukasan… walang expiration date… ayaw mabulok…
[replytsina]
November 8th, 2008 at 8:58 pm
naaliw naman ako sa post na to:p
me kilala ako gigil na gigil sa mga spam msgs na yan..
at talagang pinagtyatyagaan pa talaga nyang burahin yan lalo na yung sa sibak!..
[replytsina]
November 9th, 2008 at 12:43 am
astig nga eh! ibig sabihin lang nun pang world wide na talaga ang everdearest blog mo, andaming message from different nationalities..tsk, iba na talaga karisma mo…
[replytsina]
November 9th, 2008 at 4:19 pm
buti na lang ang mga spam ko, puros for accutane. nong tiningnan ko, para sa uterus para yun at bawal ibigay sa mga buntis. nashock naman ako. kelan ko ba sinabing buntis ako? hmpf!
[replytsina]
November 10th, 2008 at 3:51 pm
bah kaya hindi ako nagiiwan ng link. baka isipin ni akismet na nagbbrief ako. este nagsaspam ng blogs. prayer daw pero tignan mo yung link nya. LOLs. babe-movies daw!
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:34 pm
ako nga lagi nananalo sa lotto e hindi naman ako tumataya!
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:36 pm
nyahaha! oi WORLD PEACE ang drama dito no, bawal ang intriga. ako lang ang pwedeng mang-intriga. hahahaha!
oo nga. hinahayaan ko na lang tutal andiyan naman si akismet.
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:37 pm
hi joycee! keri na lang yang mga Spam na yan.
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:38 pm
gawin na lang nating kapitan ng tahong at talaba. you like?
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:40 pm
ako paminsan lang magbura, pero bultuhan.
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:42 pm
parang nang-uuto nga e. hindi naman kamio nagkakaintindihan pero kung ano-ano pinagsasabi. hahahaha!
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:43 pm
minsan iniisip ko din kung may kuneksiyon din sa buhay ko ang mga SPAM ko. o baka naman sumasalamin yun sa past life ko. Porn star siguro ako noon.
[replytsina]
November 11th, 2008 at 7:44 pm
V! nagpapanty ka amiga.
katawa-tawa nga yang prayer ekek na yan. haha!
[replytsina]