repost diva
Minsan pag nananalamin ako bigla akong natatakam sa siopao. Makakita ka ba naman ng siopao na mukha ewan ko lang kung dika magutom no.
Kailangan ko magdiyeta ng kaunti. As in kaunti lang naman, yung tipong maa-ICU ka na sa kakadiet. Echos lang siyempre. Pero seryusli, talagang magbabawas ako ng timbang. Oo na. Pitumput pitong puting tupa beses niyo na tong narinig sa’kin. Hindi naman sa hindi ako seryoso magpapayat no. Sadyang binigyan lang talaga ako ng Diyos dilang nagpo-produce ng sarili niyang vetsin.
Heniway hemmingway, ang totoo wala talaga akong maitalak ngayon. pero hindi naman halata kasi nakadalawang paragaraph na’ko no. Gusto ko lang ulit mag-repost. Ang henyo ko no. Repost diva yata dapat ang itawag sa’kin. Lol!
Natawa ako dito sa entry ko na to way way way way backlush pa na hinalungkat ko sa baul ng lumang post ko sa friendster blog ko.
Hala basa!
September 19, 2006
BAGONG KOLEKSIYON
may mga taong naaadict sa pangongolekta ng kung ano-anong bagay. naiintindihan ko sila dahil ako din naman nahilig din sa pangongolekta, at kung magkakaroon ulit ng chance at puhunan [as in pera] madami akong gustong kolektahin. kung salagubang nga pinatulan kong kolektahin e [totoong salagubang ito ha!].
may kakaibang high kasi na nakukuha sa pangongolekta. may ibang kolektor nga na halos mas mahal nila ang mga koleksiyon nila kaysa sa buhay nila. mga extreme cases na naman yun, kumbaga sa canser stage 4 na.
ako, may bagong koleksiyon ngayon. sa totoo lang hindi ko naman talaga sinasadya yung kolektahin, basta paggising ko “uy!! ok to a!”.
hindi ko alam ko kung cute ba talaga kolektahin ito o kinukumbinsi ko lang ang sarili ko na cute. malambot ito. masarap hawakan at hindi masyadong magastos kumpara sa koleksiyon ng iba. kumain ka lang 5x a day, lumaklak ng coke 1.5, i-bestfriend ang lahat ng klaseng matatamis [lahat ha!], at makipag-bonding sa lahat ng mamantika [pwera lang sa kargador sa palengke, kahit mukha silang nagmamantika]. voila!
ano pa nga ba ang tinutukoy ko kundi… [drum rolls] TABA!!
medyo madami-dami na din naman akong nakokolekta. nakadisplay na nga e! sa pisngi at baba [chin] ang una mong makikita, pero ang pinaka main attraction siyempre ay yung nasa tiyan na kung tawagin ay bilbil [bilbils pag madami kagaya ng sa akin].
hindi ko alam kung maaaliw ako sa koleksiyon kong ito. pero madami namang nacucute-an, na parang gusto nilang lapirutin ang precious collection kong ito. masama daw ito sabi ng ilan, lalo na kung ang susundan mo ang motto’ng “bawal magkasakit”.
ayoko munang isipin, siguro kailangan ko munang… kumain.
![]()
Goodluck sa diet ko! Ayoko na sa koleksiyones ko no!
![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
madjik
on November 5th, 2008
“madami namang nacucute-an, na parang gusto nilang lapirutin ang precious collection kong ito”
LOL.
naaliw naman ako dito hehe.
but indeed there are people who finds it cute!:p
replytsina