Akala ko wala na akong kadamay sa mundong ito. Pakiramdam ko kakambal ko ang demonyo noong past life ko kaya ganito ako binabalahura ako tadhana ngayon. Pero siguro may nagawa din naman akong maliliit na kabutihan noon para sa madilim na araw na ito kahit hindi brown-out ay mapatawa ako ng tadhana.

Gusto ko ng mapa-iyak sa sobrang sama ng loob kanina ng walang ano-ano’y may dumating na text na talaga namang halos ikahagalpak ko ng tawa.

O MALUNGKOT KA NA NAMAN. PROBLEMADO? LIKA TULUNGAN KITA DIYAN. I-TEXT LANG ANG HENYO TO 2727! P1/txt. NO ALERTS? TEXT ALERTS OFF TO 211 SMARTFREEALRT

-SMART

Hindi ko alam kung naloloka na ako o sadyang may paraan ang tadhana para alugin ang utak ko at mag-move-on sa mga dumadating na kabalahuraan. I’m haffy today that I am a Smart Subscriber. Today lang. Ewan ko lang bukas. Hay life.

Bookmark and Share