Kahapon dumaan kami sa Mall bago umuwi galing sa bertday partey ng asawa ng aming big boss. Pag dumadaan akong mall hindi pwedeng hindi ko isightsiva galore ang mga tindahan ng lappie. Napabuntong-hininga na lang ako na kasing lalim ng balon ng kapitbahay namin. Yaan niyo na, mas glamorous naman yun kesa nagpupunas ako ng laway na parang asong ulolers.

Hindi ko alam kung kailan ako makakabili ng lappie. Selepono ko nga hindi ko mapalitan heto at nangangarap pa akong mag-level-up agad. Hindi ko naman sinusukuan na makakabili ako ng laptop for my byutiful self balang araw. Ang malupit na tanong ay bagay ba sa’kin ang may laptop? KAILAN nga?

Kung hindi siguro kailangan ko magbayad ng kung anik-anik malamang ay nakabili na ako ng laptop kahapon. Nikwenta ko kung nakamagkano ako na ako ng kita mula nung nagstart ako sa aking atik, anda at anju adventure. Hindi man siya kalakihan e sapat na para makabili ako ng nagmamagandang laptop. $1000sumthing ang kinita ko mula january hanggang ngayon na hindi ko alam kung saan nagpunta dahil hindi man lang sila nagtext para magpa-alam.

Hay life. Keri na. Kesa naman wala akong nagastos no. Magandang back-up din pag mapuputulan na kami ng kuryente, tubig at nanganganib mapalayas ng kasera. Tsaka pambayad internet din. Kung walang internet mas lalong walang kita.

Makakabili din ako ng nagmamagandang laptop. Sabi nga ni Big Brother “sa takdang panahon.” Lech! Kelan kaya yun?

Bookmark and Share