weekend pagnilay-nilayan

Sabi nila matalino daw ako, sabi ko naman swerte lang ako sa exams. Hanapin ang konek pls. lols! Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang intelihenteng tao pero hindi ko din naman masasabi na bobo ako. Hahayaan ko na lang na ang tao magsabi nun, pero ako, hindi aamin. Magka-ubusan na ng kayamanan. Charing!

Hindi naman ako naniniwala talaga na may bobo sa mundong ito kahit na madalas kong pag-isipan na bobo ang ilang tao sa paligid ko. Hindi ko mini-mean yun, out of sheer annoyance chovarloo siguro kaya ko lang sila nilalait sa paguutak ko. Peeling ko lang kinulang lang sila sa common sense o tinamad mag-isip {kasama ako dun paminsan}. Oo na, nagpapalusot na naman ako.

Para sa akin hindi naman kasi nasusukat ang pagkatao sa talas o purol ng u-tak. Nasa dami ng salapi sa bulsa. Nandun yun sa kung paano mo gagamitin ang mga katangian mo ke fangit o maganda sa paghipo, pagkapkap at pagsalat sa buhay ng kapwa mo. It’s the goodness in you kumbaga {akala niyo it’s the thought that counts no? lol}.

Madaming kinulang sa iodize salt na mababait at talagang nakaka-inspire ang kabutihan. Mapapa-isip ka na sana maging kagaya ka nila na nae-enjoy ang buhay regardless na hindi s26 ang pinadede sa kanila ng mga nanay nila noong araw. Madami din namang sobrang active ng brain cells pero siksik liglig naman sa kasamaan ng pag-uugali. Superiority galore ang mga tingin nila sa mga sarili nila na gugustuhin mo na lang huwag gamitin ang u-tak mo kung magiging katulad ka din lang nila paglaki mo.

Bonus na lang naman kasi ni Bosing sa atin ang magagandang karakter natin at yung fangit naman ay challenge. Pero sa finish line ng buhay hindi naman tayo huhusgahan sa mga maganda at fangit na karakter na ibinigay niya sa atin kundi sa kung paano mo nilaro ang buhay ng ayon sa kanyang rules and regulations. O ha! Amazing diba?

Ganito talaga pag tumatanda na madami ng gintong aral na alam. Eeekkk!!! Bakit ako umamin?! Na madami na akong gintong aral na alam. Hindi pa ako matanda no! Tse!

Magandang weekend sa inyong lahat!

 

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

28 Comments

dhezNo Gravatar Unknow Unknow  on October 18th, 2008



ay oo nga ganayan talaga ate jojie pag tumatanda.. ay nasabi ko bang ate? waaaah!!! biro lang jojie ganda! ;)
dhezs last blog post..nabibilang na araw..

replytsina

jen aka gorgeous b.No Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



Wow ang mare tumatalino na yata ginagamit na ang common sense hahaha. Grabe i didnt know that your this deep..hehe mas malalim ka pa yata sa PACIFIC OCEAN EH hahaha but one thing for sure is your age shows the way you feel. Kaya dapat mare wag masyadong ipahalata okay hehehe

replytsina

ronturonNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



wala namang taong bobita o bobito jojitzu..marami lang taong tamad at tila pa mabigat pa sa gulong ng pison ang katawan at hindi makapag sunog ng kilay kahit minsan… isa ko dun! nyahahahahaha

ronturons last blog post..Polusyon 101

replytsina

ana_bananaNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



huwaw! ikaw ba yan Jojie… may napulot akong aral sa post mo Ate Jojie! Love is Blind!… Lol

ana_bananas last blog post..Balik-bayan Box

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



dhez!!!! huy ok ka lang ba? tagal mo nawala a. ;) kumusta na?

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



a hello… pinapaalala ko lang sa’yo. mas matanda ka kaya sa’kin. :-P

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



baka isa din ako dun sa sinasabi mo. hahahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 19th, 2008



love is blind ka diyan. hahahaha!

replytsina

antukenNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



mas like ko ang layout mo ngayon. ;)
di na ko magco-comment tungkol sa mas tumatanda. ako lang ang tatamaan e. hehehe.

antukens last blog post..raffle numbers round 2

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



napa isip ako don ahh..

buong buhay ko kasi isa lang nasa isip ko na “bobo” na mahina iq ko, na slow ako ako, oi drama ito hehehehe…

akala ko nga noong bata ako may pwede ka inumin para matalino ka bakit naman di nila ko pina inom :)

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



ate na pala ang itatawag ko sau? inamin mo na matanda ka na eh… ahaha… ikaw ang nagsasabi na bata pa ako sa edad ko…

kaya… ate… yan n tawag ko sau… ahaha…

vhonnes last blog post..May AWARD na ako!

replytsina

ColegialagirlNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



Ang talino kung minsan ay nasa tiyaga iyan. Kahit may kahinaan ang isang ulong umintindi, sa ka-aaral ng ka-aaral ay matututo din. Kagaya din ng mapurol na labaha, kapag nahasa ito ng maigi ay tatalim siya ng husto. Nakakatakot lang baka iba pa ang maputol niyan, hehehe , LOL

Colegialagirls last blog post..The Reproductive Health Issue (Ako’y isang Sirena!)

replytsina

domjullianNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



gusto ko rin isipin na walang taong bobo sa mundo albeit maraming tanga.hehehe.nakaka inis kasi yung iba parang tulog ba sila nung nagsabog ang Diyos ng common sense. hehehe. lait na naman ako.

domjullians last blog post..Guardian Angels

replytsina

LhayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



wow, parang dont judge a book by its library este by its cover ang dating, napaka talinghaga.. Ako masasabi ko, hindi ako katalinuhan at hindi rin bobo, mautak lang ako at madiskarte sa buhay. Peace!!!

replytsina

joshmarieNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



tama.
hindi nasusukat ang tao sa basta katalinuhan lang. matalino ka nga halang naman ang kaluluwa mo, olats ka pa rin.

joshmaries last blog post..TRABAHO! Puro na lang TRABAHO!!!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



nyahaha! ok lang no. para naman may kadamay ako. ;)
Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



o nagdrama pa… gusto mo ng drama? humanda ka sa amin. wahahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



o siya sanay naman akong tinatawag na ate. ;)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



naman! pero keri na kahit hindi basta maging mabuting tao. :D
Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



ay relate ako sa sintemyento mo. pero kailangn nila ng pang-unawa - minsan. hahahaha!

Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



matalino ka Lhay!!!!! matalino ka!!!!! hahahaha!

kunusta ka na plurk goddess? ;)
Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



hi joshmarie! pakape ka naman. lols.

yun na nga ang foint ko dear. salamat sa pagdaan dear. *muah!*

Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 22nd, 2008



wala namang bobo… mahirap lng makaunawa at makaintindi… kung may mga bagay at usapan na hindi basta nauunawaan ng isang tao na un… hindi siya bobo…

teka… ano nga ba pinag-uusapan? hindi ko po kasi naiintindihan…

vhonnes last blog post.."Especial Surprice" Letter

replytsina

LhayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 23rd, 2008



ito goddess pa din at hindi ka na nadalaw sa plurk ha? joke.. uyy.. napakabait ko na kaya sa plurk noh..minsan dalaw ka nmn ulet sa plurk..

replytsina

sommerNo Gravatar Unknow Unknow  on October 25th, 2008



bakla…anne cortez here..hehehe!!
actually wala sa purol o talim ng utak yan..nasa ganda yan.hehehe! ganda ng outlook sa buhay..=)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 25th, 2008



anne cortez!!! pa-autograph!! hahahaha!

replytsina

muymuyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 27th, 2008



(Madami din namang sobrang active ng brain cells pero siksik liglig naman sa kasamaan ng pag-uugali. Superiority galore ang mga tingin nila sa mga sarili nila na gugustuhin mo na lang huwag gamitin ang u-tak mo kung magiging katulad ka din lang nila paglaki mo).

…korek ka jan sister, mahirap makipagtagisan ng talino at lakas sa taong tingin nila eh to the highest level na ang kanilang katalimuhan..hmp!!

muymuys last blog post..ang sakit sa puson…

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 27th, 2008



hi muymuy deary. :D ay naku madaming ganyan na pakalat-kalat no. ang sarap dakutin ng dust pan. :lol:
dear salamat sa pagbisita. :*

replytsina

Leave a Comment