noong ako’y nagpa-burjer

Dahil sa post ni Pareng Vhonne na ito naalala ko tuloy noong panahong naging burjer attendant ako. Burjer attendant yung tagatinda ng burjer sa 24hour burjer outlet. Oo, naging ganun ako noong araw sa isa na ngayong sikat ng 24hour burjer outlet na hindi ko na sasabihing sa Minute Burger dahil wala namang bayad ang pa-advertise nila sa akin.

Natutunan ko ang art ng multi-tasking sa pagtatrabaho sa isang burjer outlet. As in multi-tasking galore. As in. Isa pa, as in. Hindi pa kasi uso ang buy one take one achuchuchu na gimik ngayon ng mga burjeran, madami pang variety ng burjers ang kailangan mong imemorize at orasyunan bago ihain sa customer. Hindi pa mahal ang gasolina kaya di pa nagko-cost cutting ang mga burjer outlets para gawing sobrang simpleng burjer na lang ang tinda kagaya ngayon.

Hindi madali ang trabaho ng burjer attendants. Kailangan pang iinventory ultimong stick na ipinapanghalo sa kape, kulang na lang pati alikabok ipa-imbentaryo ng mga hinayupak. Lahat kailangan itara, at ini-expect nilang perpekto ka at maililista mo ang lahat. Pag nagsabay-saby pa ang customer parang gusto mo ng panawan ng ulirat sa pagkalito. Ang oras mo ng pahinga ay ang oras mo para humawak ng map. Kaya huwag na kayong magugulat kung nanggigitata talaga ang mga tindera ng burjer. Hindi yun parte ng qualification para matanggap, talaga lang nakakalosyang ang trabaho dahil kadalasan naman mag-isa ka lang sa isang outlet.

May mga customer pang saksakan ng apurado, parang kulang na lang pati paa mo gamitin mo sa pagluluto ng burjers. Meron namang saksakan ng angas lahat na lang mg pwedeng pintasan, pinintasan. Ansarap pasakan ng tig-limang jumbo straw yung dalawang butas ng ilong. Kaya kung sino man ang nagpauso ng kasabihang “customer is always right” I so hate him/her/whatever poreber.

Hindi ko lang talaga kineri yung compulsory kang maglako ng maliliit na burjer tatlong beses sa isang linggo at bumalik sa outlet na ubos ang tinda mo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan talagang palabasin nilang ang burjer nila ay nanganganak at nagkakaroon ng maliliit na supling na kailangan ilako. Naalala ko pa noon na halos magmakaawa ako sa mga pinaglalakuan ko maubos lang ang tinda ko dahil nahihilo na ako, hindi sa init kundi sa amoy kong mabangis at makaka-cancer na ng lungs. Andiyan yung bolahin ko na ang mga tao na bagong luto yung lintek na burjerito na yun pero ang totoo hindi naman talaga siya lalamig dahil nakabilad sa arawan. Alam ko bad yun, pero ayaw ko naman magmukhang immigrant galing Africa.

Hindi din ako nagtagal sa pagiging burjer attendant hindi dahil hindi ko kinakaya ang trabaho kundi dahil pinagbintangan akong pumitik ng isang daan ng supervisor ko. Hindi ko kasi alam kung bakit kinulang ng isang daan yung ni-remit kong benta ko noong gabing duty ko na yun. Puyat, pagod at magdamag na nakibaka sa multong kinarir ang pagpaparamdam tapos biglang iinterrogate ka na kala mo sinanla mo yung outlet sa Cebuana. Hindi ko maintindihan kung bakit nawalan ng isang daan yung perang 50x ko atang binilang bago ko sinilid sa sobre. Ano yun magic? Gusto kong sikmuraan ang pitong buwang buntis na tiyan ng supervisor ko kung hindi lang ako talaga maka-anti-abortion.

Hindi na ako nakipagtalo, nagpeeling audition ko na lang sa MMK at nag-lakad akong umiiyak with matching punas the luha at mantika sa aking fez. Oh what a sight. Para akong basing bibi na umuwi. Hindi na ako bumalik at lalong hindi ko binayaran yung isang daang nawala, para ko na ding inaming ako ang pumitik ng isang daan no. Halllleeerrrr!!! Maganda lang ako pero hindi ako mamimitik ng isang daan.

Isa ito sa parte ng buhay kong kulang na lang ipa-kwadro ko at idisplay sa sala para naaalala kong magpaka-tao araw-araw. Yun bang tipong dadagok sa akin ng bonggang bongga pag may pagkakataon na nagpapaka-beeyatch ako. Alam niyo naman ako mahilig sa KEWL. Minsan kasi kewl ang pagkamahadera. Ching!

Pag minsan ngang naiisip kong kumain sa burjeran na iyon, natutuwa ako sa mga burjer attendants. Ngumingiti akong parang tanga kahit na ako pa yung pinagsusungitan nila sa sobrang kangaragan. Hindi yun dahil naaalala ko ang trabaho ko noong araw kundi dahil ayaw ko lang buhusan ng one-week-old-super-recycled na mantika ang burjer patty ng binibili ko. *wink*

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

32 Comments

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



oi… salamat sa pag mensiyon sa blog mo… ehehe…

sana naman wala akong nasabing masama dun sa blog ko about sa mga burger stand crew? wala nga ba? hehehe…

naiintindihan ko naman ung trabaho nio… kaso ung iba din kasi… sa panahon ngaun… tinutulugan lng ang trabaho katulad nung nakita ko…

pero… ganito na lang… “paburger ka na lang…”

“BURGER, BURGER, BURGER!”

vhonnes last blog post..Alak Pa

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



napa-reminisce ekek lang ako. hahahaha! ako lang naman ang pinak-mabait na burger stand crew noon? ano daw??? hahahaha!

burjerito you like? :lol:

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



wenk… kalinggit-linggit nun…

chillidog na lang…

vhonnes last blog post..Alak Pa

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



vhonne!!! di ako maka-comment sa latest post mo. :(
dito na lang kita babatiin. Belated Haberday!!! :D

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



bakit po hindi? ay jusko… hindi ko pa pala naaayos… waaa…

pero salamat… ayusin ko lng blog ko.. daan ka ha… hehehe… mwuah…

vhonnes last blog post..Alak Pa

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 14th, 2008



yan na… ung normal na comment box n lng muna ginamit ko sa blog ko.. leche/melamine… bagal ng internet dito sa office…!

vhonnes last blog post..Alak Pa

replytsina

ronturonNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



paskingshet! ano tong bagong layout mo? nakakapanibago!!! malamang bago layout mo kaya nakakapanibago.. kapag luma namang e nakakapaniluma! hahaha korni! ampota! hehe

hindi ako makarelate kasi hindi naman ako naging burjer attendant pero nag work ako sa dunkin’ donuts dati… donut attendant ako! este, donut maker pala.. hahaha

asteg ka jojitzu… wala kang kakupas kupas! haha
pakiss nga sa makinis mong pisngi! wahahahaha

ronturons last blog post..Laking bear brand kami…

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



mula ngayOn magiging friendly na ko sa kanila hehehe..

medyo apurado din kasi ko pero may dahilan naman ako..heheh

ano nga bang dahilan ko??*isip

grabe naman yun

replytsina

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



eekkkk mare isulat mo yan sa MMK!!!

o sya sya nd ko na sila mamadaliin baka un 1month old matika ang gamitin sa akin eh ;)
pusas last blog post..FALLing in LOVE with YOU

replytsina

domjullianNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



miss ko na yang mga burger stands na yan na kahit alikabok ang nagpapasarap. akala natin paminta lang alikabok na pala.hehe.

domjullians last blog post..An Appeal From UP Alumni - From Ricky Lo’s Philstar Column

replytsina

jeckNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



ate jojie, mas gusto ko na tong bago mong layout. o eto yung dati? hindi na ako nalilit kung nasan ang latest post. haha.

kaya pala parang pamilyar sa akin ang fez mo, sa iyo siguro ako bumili ng burger dati. haha.

jecks last blog post..Boy Pogi (Para sa lalaking pinakamatagal mag-CR sa aming kumpanya)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



hoy turon ang korni mo!!! lols! sushal ka donut attendant. kewl. hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



engk. alam ko na.

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



pang MMK na ba talaga? hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



hi domjullian. ;)
ay naku yung ibang mga supladito/supladita e kaaarte, in denial ata na medyo madumi talaga yung tinda dun. halllerrr… along the highway kaya yung tindahan.

anyhoo, salamat sa pagbisita. :D

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



jeck!!!!! hahaha! eskandalosa ako. bagong layout itech, minimalistic mode naman, hindi animalistic ha *korni*. ;)
a long long time ago pa yun.. baka elementary ka palang nun. hahaha!

replytsina

jenNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



nyahahaha..natawa ko (lagi naman ako natatwa sa entry mo kahit seryoso!)

naka relate ako dun sa pinaglalako kayo ng burgerito kase nun nag te training ako sa Pizza Company dito, we used to make tambay sa street ng dubai para mag pa taste test ng pizza.

kakaloka lang kase pinagpipilitan nilang patikman pizza nila sa halos buong populasyon ng dubai..kamusta naman? eh di inuuwi namin, walang kahirap hirap! nakarma lang ko dahil ngayon, nakakakita pa lang ako ng pizzaz, nasusuka na ko

jens last blog post..wazzap

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 15th, 2008



ansowsi may gravatar ka na mare. ;)
uy lab ko ang pizza company. tsalap-tsalap ng food. e bakit naman ako hindi nasusuka sa burjer? PG lang talaga ko. hahaha!

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



ayan… galing ulit ako dun sa burger stand… hindi ko na minadali… baka kc ung super-duper-mega luma na ang gamiting mantika sa pinaluluto ko eh…

baka kaya siguro mejo iba lasa ng kinakain ko dun… awts…

vhonnes last blog post..Sino’ng Bida Ngayon?

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



naluha ako sa wento mo, jojiepie. charot! hehehe!

anong burger joint ba yun? :D yung burger sa Burger Machine lang kasi ang ang natikman ko dati.

MARUs last blog post..Nang Dahil Sa Plastik

replytsina

popoyNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



ah nagwork ka pala dun joji? ako din nagwork ako pero sa fastfood chain na. mahirap talaga. tiisan lang din. may psaway na mga customer na, may mga isip batang manager ka pang makakasama.

ang dami tuloy na nagbalik na alaala sa akin nung mabasa ko yung entry mong to.

naalala ko yung manager namin at yung isang crew nang kunwakunwariang seks. o diba ang wholesome ng mga manager namin? naalala ko din kung panong ang mukhang anghel na manager (pangalan nya din angel) ay demonyo pala ang paguugali. isama mo pa na nakikipaglandian sya sa isang crew, na ang ending pala ay mabubuntis sya ng crew na yun at nakipaghiwalay sya sa asawa nya kasi masa nasarapan yata sya sa crew…

magaling kasi gumawa ng burger yung crew.lols.baka iba iniisip mo. :)
hahahay. ako din. batok sa akin ang mga karanasan na yun kapag may mga oras na nararamdaman ko na lumalaki na yung ulo ko SA TAAS.

maswerte tayong mga nakaranas ng ganito. BURGER BURGER BURGER!!!

congrats jojitah sa pagkakasama mo sa tough ten sa lafftrip :) sensya nagyonlang nakabisita ;)
popoys last blog post..nanalo ako sa lotto…

replytsina

LhayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



Gusto kong isipin kung saang branch ng minute berjer yan… hehe..

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



mare! ibo-burger kita! pakita ka lang! iuwi mo na rin yung boung burger house hehehe

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



o diba. nahalata mo din. hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



hindi ko nga sasabihing sa Minute Burger. :lol:

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



salamat potpot sa pagbati. ;)
aww.. ikaw din pala ay makabagbag damdaming istorya tungkol sa chukchakan past fud. :lol:

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



malamang alam mo. ;)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 16th, 2008



saan ba ang santa cruzan!? i-page mo na lang ako. :lol:

replytsina

MahaliaNo Gravatar Unknow Unknow  on October 20th, 2008



Hi jojita, nakakarelate din ako sa ganitong experience, naging kahera din ako sa isang tindahan ng mga burger na yan. eh bago pa lang ako dito sa Tate noon, kaya wala pa akong draybers lisense kaya ayon sa kagustuhan kong kumita nilalakad ko talaga ang dangkal dangkal na snow ng mga sampung bloke. hayyyy

Mahalias last blog post..The Famous Joe the Plumber

replytsina

LhayNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



sabi na eh!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



sana pareho tayo ng nasa isip no. :P
Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 21st, 2008



hay buhay pagtatrabaho talaga no masalimuot na nakakatuwa pag binabalik-balikan.

mahalia salamat sa pagdalaw mo sa aking balaytsinang putlain. :lol:
Jojitahs last blog post..Conversations No.008

replytsina

Leave a Comment