classified ads?
Matagal-tagal na din pala akong nagtatrabaho bilang opis gel dito sa side side ng South Luzon. Ambilis talaga ng panahon. Parang kailan lang mega praktis ako ng aking deteriorating inglet dahil sa tawag ng call center chovarloo. Pero hindi siguro ako para sa call center world dahil bago ko pa man mabigyan ko ng kahihiyan ang boom na boom call center chuwariwap e na-hire na akong opis nuisance sa pinagtatrabahuhan ng aking sisterette. Ang galing talaga ni Bosing above, alam niya na maraming nangangailangan ng trabaho kaya hindi niya ako pinagbigyan maging call center gel.
Narealize ko na lahat na ata ng katangian bilang isang mowdel employee ay nasa akin na - maganda, maganda, maganda, maganda at maganda. San ka pa? Kaya pakiramdam ko tubong lugaw ang kumpanyang pinag-papaalipinan pinagtatrabahuhan ko sa akin. Ako din yung tipong hindi mareklamo pagdating sa trabaho para sa akin kasi ang trabaho ay biyaya, kahit pa nga kadalasan pakiramdam ko nag-chacharity work na ako. Ok lang, sabi ng chicher ko nung grade five give to charities.
Madali ako matututo dahil sa ever ever na interes ko mapaunlad ang sarili ko, frustrated versatile actress kasi ako kaya kahit sa trabaho man lang magka-title akong versatile. Pati sa pakiki-mingle-mingle sa mga utaw-utaws ginamitan ko ng art. Hindi arte ha! Art. Parang giyera din may art. Kung paano yun abangan sa boy and kris. Matyaga at mapasensiya din ako, lalo na sa pagpila sa pagka-cash advance. Reliable din ako parang Tambunting Pawnshop.
Kaya sa pag-eevaluate ko sa sarili ko napapamura talaga ako dahil napaka-swerte nila sa akin. Oh yes nakabili ako ng angas kahapon kaya wag na kayong mag chenes chenes diyan. At hindi ko alam kung matutuwa ako sa realisasyong na 1 + 1 = 0. Itlog lahat ang effort. I won’t elaborate much kasi I assume I have a very intelligent readers {nambola pako!}.
Gusto ko ng makipag-divorce sa trabaho ko. Masarap sanang magtrabaho kung masaya ka na maganda pa ang kita mo, pero pwede mo pang pagtiyagaan na kahit maliit ang kita {intsik?} basta masaya o kaya kahit hindi gaanong masaya basta malaki ang kita {kwago?}. E paano pag hindi na nga malaki ang kita hindi pa masaya? Magapatuka na lang ako sa ahas? Charing! Pero dahil nga walang divorce dito sa Pilipinas mag pa-file na lang ako ng annulment. Kailan? Pag kaya ko na ang buto ko.
*pag sa mga susunod na linggo wala na akong trabaho pwedeng bang mag-donate kayo sa paypal ko. thanks.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
selvo
on October 10th, 2008
marekoy miss ko na ang kadaldalan mo. kita mo yang mga paragraph mong walang period halos. hehehe
selvos last blog post..BBC’s Harry and Paul racist sketch against Pinays
replytsina