10
From now on… 10 is my peborit number! Cute naman diba? Parang yung sipon ng klasmeyt ko nung elementary. Lols! At bakit naman hindi no. 10 will be the number of the decade, century and millennium sabi sa hula. Number 10 ang aahon sa kahirapan ng Pilipinas. Number 10 ang consistent na number na lalabas sa lotto. Number 10 ang magiging pinaka-sowsi na number sa buong kalawakan. At higit sa lahat dahil…
Number 10 aketch sa Project Lafftrip Laffapalooza 2008
Wooothoooot!!!!!
I am officially one of The Philippine’s Next Top Model Top Ten Humor Bloggers. Syet! Ansarap itype, parang pwede na ako hindi kumain ng almusal, tanghalian at hapunan sa sobrang nakakatuwang-nakakabusog na pakiramdam. I am so HAFFY. Spell it with me. C’mon! H-A-F-F-Y. Oh yeah Oh yeah.
Congratulations sa aming lahat na nanalo. Kewlness!

At siyempre congratulations-slash- salamat kay umleo para sa adiktus na presentation. It was worth the wait tol! Wooot!
Ang totoo hindi ko na talaga in-expect na mapasama pa sa Top Ten Humor Blogs chuwariwap and I am saying this with all conviction in my heart. In the first, second and third place ayaw ko naman na isali pa ang byutiful self ko sa taytol na yan hindi dahil hindi ako deserving kundi MAS madami ang MAS may karapatan sa pwestong nakuha ko. Pero andiyan na e, kinilig na ang pwet ko kaya PWERA BAWI SAMPUNG BASONG IHI na lang. Lols!
Pero bago ako maging F na F [feel na feel] gusto kong pasalamatan yung mga bumoto sa akin, hindi na ako gumawa ng listahan dahil baka may makaligtaan ako mas lalong giyera lols! Kung ano man ang nagtulak sa kanila [sana hindi demonyo, echos!] para isama ako sa mga listahan nila ay malaking bagay yun dahil madami namang nakakatawa sa sanblogospheran kumbaga sa ukay-ukay laging may new arrivals. Kung nakiliti ko man sila sa mga nakakalokang takbo ng u-tak ko o kung pakiramdam din nila mapapasa-kanila ang 15k pag isa ako sa ibinoto nila ay ISANG GIGANTIC NA KARANGALAN para sa akin. Oh yes it’s very gigantic like the Mall of Asia.
SALAMAT DEARIES!!! KILALA NIYO NA KUNG SINO-SINO KAYO.
Sa mga hindi bumoto pero binoto nila ako sa mga puso nila don’t worry naka-tally ang inyong votes dito din sa puso ko. Yiheee! Pero sayang sana yung chance sa 15k, kaya belat sa inyo. Echos lang. Hahaha!
Salamat din sa isponsors, sa The Tshirt Project at Gag Atak para sa kewlness na papremyo.
Lastly salamat kay Badoodles for uniting Pinoy Humor Bloggers. Takbo kang mayor iboboto kita. Lols! Malaking bagay na narerecognize ang kakayahan ng pinoy pagaanin ang buhay sa panahon na ang lahat na yata ay mabigat, eerrr… wateber. Mabuhay ka Badoodles!
Masarap sa pwesto diyes. Tama lang. Chillax. Sakto. *wink*

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
FerBert
on October 1st, 2008
lurker ako ng site mo.. nakakatawa ka naman talaga.. as in ROFLMAO
FerBerts last blog post..Booyah!
replytsina