magregla ay di biro

Isa na siguro sa pinakamasaklap na obligasyon ng babae sa buhay niya ay ang magregla. Nakakatuwa lang naman ang regla pag ayaw mong majuntis. Pero yung proseso ng pagreregla ay hindi cute. Malagkit, mainit, masakit sa katawan at higit sa lahat parusa ang magnapkin ng matagal. Hindi ko nga maintindihan kung anong klaseng makina ang matris naming mga babae. Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang pagkakadesign sa amin ni Bosing kaya lang sana naman ay meron ding upgrade ang matris namin lalo na pagdating sa waste disposal ng mga hindi nahinog na egg cells. Pwede namang parang iiihi na lang namin, mga tatlong ihi siguro naman said na yun sa loob ng isang buwan. Mahirap ang buhay ngayon kaya malaking tipid kung hindi na kami gagastos pa sa napkin – sanitary napkin ha, hindi table napkin.

Bukod sa nakaririmarim na pagreregla nandiyan pa ang cramps chuwariwap. Dito ko napatunayan na lahat ng nagdudugo masakit. Alam niyo bang parang ginigiling ang mga matris namin sa mga unang araw ng regla. Kaya wag kayong mag-aarte na parang ang oh-oh-A namin pag tinotopak kami pag may regla. Hindi namin gusting parang pinusunan kami ng limang kargador.

E kumusta naman yung wala pa ang actual regla ay may epal na PMS? Akala niyo ba madali ang nagpi-PMS. Hindi namin gawa-gawa lang mga gels yun para magpa-baby. Sumpa ata ni Sisa ang PMS. Kung pwede lang ito ipa-opera ginawa ko na dahil kung ang iba ay nagiging halimaw pag nagpi-PMS ako nagiging EMO.

Sana dumating ang panahon na ang regla ay maglaho ng walang anumang aberya sa pagdadalang tae tao naming mga babae. Oks na ko dun sa pasanin din namin ang panganganak basta tanggalin lang ang regla cheines na ito. Pakiramdam ko kasi ang pinaka bugbog na parte ng katawan naming mga babae e yung pinagmumulan ng buhay at kaligayahan. Life is so unfair.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

21 Comments

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 25th, 2008



sama ko ng sampu dyan sa proposal mo mare, ayaw ko rin ng regla argh!

parusa at sakit sa ulo at puson at kung saan saan pa ang dulot nyan sa tin mga gels

replytsina

ronturonNo Gravatar Unknow Unknow  on September 26th, 2008



wag ka magalala malapit ka na ma-menopause!!!

hehehehe…. lilipas din yan! ilang taon na lang ba menopause ka na? 3? 4? at most siguro 5!!! hahahahaha

joklang!

replytsina

ronturonNo Gravatar Unknow Unknow  on September 26th, 2008



bakit mas gusto mo rin bang ma-menopause? naku kapag dumating ka dun baka hanap hanapin mo yung dalaw … hehehe.. la lang.. epal lang naman.. hehehehe

nga pala, totoo ba yung kasabihang…

“regla lang ang pahinga…”

???

hehehehe…

replytsina

kotsengkubaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 26th, 2008



ayoko din ng regla, messy =)

kotsengkubas last blog post..O Little Town of Bethlehem, is Santa Coming to Town?

replytsina

antukenNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



i could totally relate divah!

ako matinding dysmenorrhea talaga nararanasan ko everytime magka-period ako. ang tawag ko nga dun eh sumpa. as in sumpa talaga sya. if you’ll review my SLs sa office, a great percentage eh dahil sa dysmenorrhea talaga. i already went to an OB about this. ang sabi nya noon, hindi raw ito nagagamot. and if she knew how to cure it eh matagal na nya ginamot ang sarili nya. the best she could do daw ay prescribe pain relievers.

she also told me then na para mabawasan daw eh mag-buntis ako. kaso wala pa ako hubby noon. at ngayon nga na may hubby na ako, antagal naman mabuntis. waah!

ako nga pala major PMS din. my guy friends (nung college, up to now) alam nila kung kelan ako magkakameron. nagiging major masungit daw kse ako a week prior to my period. o di ba. parusa.

antukens last blog post..happy birthday mom!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



hay salamat naman at nakikisang-ayaon ka mare. ;)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



e kung nasasampal kaya kita ng mga paa ko? you like? hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



lahat ng lalaki ganyan sinasabi. lols!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



hindi ba hindi din advisable na magdepend sa pain relievers?

oi mag 24/7 na kayo ni mr.antuken para magkababy na. lols!

replytsina

repahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



ako rin isuggest kya nga natin kay bosing yan bka pagbigyan tayo..

replytsina

MahaliaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 27th, 2008



ang saya naman ng blog bahay mo, nang dahil sa curlers napadaan ako. san mo nabili yang magic curlers mo? kapag nanganak ka na, medyo signal number 1 na lang ang menses. yung natural labor mga 10x ng period. *bukas palad, gusto mo ng Midol?

Mahalias last blog post..Hmmm Melamine

replytsina

YoungCanWalkNo Gravatar Unknow Unknow  on September 29th, 2008



Buti na lang inurungan na ako wheeeee… Badtrip lang talaga ang PMS parang lagi mong gusto manampal lol

YoungCanWalks last blog post..Downtown Chicago

replytsina

glesy the greatNo Gravatar Unknow Unknow  on October 1st, 2008



jusko day… di uso sa akin ang pains pag meron ako… pero swak na swak sakin ang pms… actually mejo ngayon lang ako nagkakatawang halimaw… sana nga matanggal na yang aberyang yan, katulad ng bigas at gasolina tumataas din ang presyo ng napkin… iisipin mo pa kung natagusan ka… kaya lagi akong may dalang hydrogen peroxide pag meron ako, pantanggal tagos pag minalas..;p

glesy the greats last blog post..i am____ in other names

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 2nd, 2008



dahil sa regla-regla issue na yan… hindi lang babae ang may ayaw niyan… pati kami ayaw din namin nyan.. kasi… kami nasusungitan… lol

pero dahil sa post mo na yan… mejo alam ko na ang gagawin ko kapag may regla “siya”… lalayo muna ako… mahirap na… hehehe

vhonnes last blog post..Battle of the Brainless Part 4

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 3rd, 2008



o sige tawag tayo sa call center ng heaven . lols.

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 3rd, 2008



hello mahalia! salamat sa pagbisita dear. ;) yang curlers ko mura lang yan no. 20pesos lang yan sa bangketa. lols.

ay naku parusa talaga minsan ang pagiging babae. pero juk lang ang reklamo ko kasi baka bigyan ako ni Lord ng patutoy diko alam ang gawin ko. lols.

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 3rd, 2008



turuan mo naman ako paano uurong ang regla. dali!!!! hahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 3rd, 2008



halu glesy! ay korek ka diyan na tumataas ang presyo ng napkin. pag may regla ka para ding bigas hindi pwedeng hindi ka bibili.

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on October 3rd, 2008



ayan layo ka muna ng mga 500meters sa mga bilat pag malapit na reglahin. lols!

salamat vhonne sa pagdaan. ;)

replytsina

vhonneNo Gravatar Unknow Unknow  on October 4th, 2008



may regla ka ba ngaun? lapit ka muna sa blog ko… lol… para hindi mo ako sungitan…

vhonnes last blog post..Ano ba ang Munisipyo?

replytsina

deemeNo Gravatar Windows XP Internet Explorer 6.0  on April 12th, 2009



well i agree wd you..oo sa ating mga gurlzzz talagang di biro ang magkaron ng regla … lague ko talagang inirereklamo sa mother ko bkit may regla pa yong mga gurlzzz….masakait sa katawan lalo na sa puson, mainit,maalinsangan,at nakakairita. But pinapagalitan me ng mother ko bakit daw ako nagrereklamo,instead na magpasalamt pa ako kasi my regla akong dumarating buwan buwan yong iba daw jan nagsa suffer dhil hindi cla dinandatnan kaya namn hindi cla nagkaka baby..Well naisip ko at narealized ko na my mom was right. Kahit parang parusa akin itong regla buwanbuwan pasalamt pa rin ako. At di na ako nagrereklamo, pero sa isip ko nalng idinadaing yong sakit hehehe.

replytsina

Leave a Comment