nasa corner na lang

August 30 - una ko nakarinig ng pamaskong kanta ngayong taong ito. Na-excite naman ako bigla sa darating na Pasko na nasa corner na lang [xmas is just around the corner]. Hindi naman ako na-excite dahil sandamakmak na regalo ang ipamudmudmod ko no. Wala lang. Parang automatic na lang na ma-excite ako sa pasko. It’s the season of merriness and abundance kahit nagkabaon-baon ka na sa utang sa pagsisimbolo ng abundance na yan. Parang bata no? Pero gusto ko yung pakiramdam na hindi pa ako jaded pagdating sa Pasko *hinalungkat ang past entry* nagiging jaded lang siguro ako pag wala akong pera. Lol! E may bahid na katotohanan naman na ang Pasko is all about giving and giving is all about atik, anda and anju! How can you give if you don’t have the salapi to back you up on the giving ekeks diba?

Sana naman datingan ako ng sandamakmak na salapi para naman hindi sayang ang excitement chenelling ko na ito at saka siyempre lahat na din ng utaws magkamal ng limpak-limpak na salapi para sobrang merrygalo ako sa Pasko! Yipee!

Ako ba ang unang blogger na may xmas entry? Hindi yata. Pero advance pa din ang entry na ito, sana pati u-tak ko maging advance na din. O siya hayaan niyong isa ako ang unang bumati sa inyo ng…

MERRY CHRISTMAS!!!! UNA AKO SA CHRISTMAS LIST NIYO HA!!!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

9 Comments

prinsesaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 3rd, 2008



merry christmas rin! masyadong advance ung greetings and post mo! hehehe
korek ka jan kasi christmas means gastos talaga kaya parang simula pa lang ngayon need na nating mag ipon para maraming panggastos! Happy birthday Jesus na rin!

prinsesas last blog post..

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 3rd, 2008



ampucha naman oo! saka na yan! nagtatago ako pagdating nang mga panahon nayan hehee

reyna elenas last blog post..Philippine Blog Awards Chorva

replytsina

kotsengkubaNo Gravatar Unknow Unknow  on September 4th, 2008



napag-isip-isip ko, kaya pala tayo binibigyan ng 13th month pay (kahit hanggang 12 lang naman ang months) e para ubusin sa pamumudmod ng regalo - mula sa boss mo hanggang sa subordinates (nampucha, ang dami kong operators nun) tapos mga inaanak, pamangkin, better half (o halves), at kung sinu-sino pa. pati foundation ni tito aga. kaya kung susumahin mo, sakto lang (o lulang pa) yung extra income para sa gift-giving.

pero masaya parin naman ang feeling ng may mga naeexcite sa binibigay mong regalo. kahit ang makukuha mo lang naman kada taon e walang wallet na alam mo kung magkano ang bili. hahaha

merry christmas jojitah! malakas ang vibes ko na kahit umulan ng yelo e mainit ang pasko ko ngayon. for the first time in the history of mankind, retired na ko from being SMC.

kotsengkubas last blog post..Tuding’s Original Porkchop of the Rich and Famous

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 4th, 2008



prinsesa dear dumadaan ako sa blog mo pero parang hindi na ata yun active, naisip ko baka meron ka ng bagong blog. :) kalabitin moko ha para naman madalaw kita.

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 4th, 2008



anuba! hallerrrr!!!! madami ka kayang ipamumudmod no! hahaha..

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 4th, 2008



naisip ko din yun e. e paano naman kung walang 13th month, patay! lalong butas na ang bulsang butas na. lols!

merry xmas hbc! nakagigilalas na alam ko ang ibig sabihin ng SMC. lol! malamig pa din ang pasko ko, hindi pa uuwi si manong e. baka next xmas global warming na ang pasko ko. lols!

replytsina

ColegialagirlNo Gravatar Unknow Unknow  on September 5th, 2008



Huwag kang magalala, ikaw ang una sa mga listahan na aking bibigyan ng mga laruan at candies. Pero mag-ipon muna ako dahil sa taan ng mga bilihin natuto na akong magdiyeta, hehehe. Nice post I like it.

Colegialagirls last blog post..Erase Your Heads, Lusaw na ang Peace Panel (Ang Kasaysayan ni Mongolya)

replytsina

ColegialagirlNo Gravatar Unknow Unknow  on September 5th, 2008



Bago ako aalis kaibigan babasbasan muna kita ng aking panalangin na sana suwertihin ka sa buhay para marami kang mapaligaya sa pasko.

Colegialagirls last blog post..Erase Your Heads, Lusaw na ang Peace Panel (Ang Kasaysayan ni Mongolya)

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on September 5th, 2008



awww… salamat. sa totoo lang gusto ko din naman maging santa klaws balang araw. ;)

replytsina

Leave a Comment