stockings chever
Today si super chorva-chorva tiring day, pero keri na kesa naman super bored ako no. Mas na-ste-stress kaya ako pag ganun at tsaka feeling ko napapagod ako ng walang kadahi-dahilan, parang nag-aksaya ako ng energy na wala namang kinapuntahan. Ganun. Pero hindi ako ulirang empleyado ha! Nagkataon lang na ilang linggo halos walang ginagawa kundi ang makipagtsismisan, hinanap-hanap din naman ng katawan ko ang sandamakmak na dokumentong kailangan orasyunan.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagtatrabaho ako bilang isang napakagandang opisinayista [nagtatrabaho sa opisina], feeling ko kasi noon hindi bagay sa akin ang nag-oopisina dahil pakiramdam ko mapipilitan akong mag-stockings. Hindi naman sa ayaw kong mag-stockings, ang totoo gusto ko nga ang pakiramdam ng may stockings bukod sa nakakaiwas daw yun sa varicose veins at naitatago ang mapa-mapa mong peklat sa legs. Ang ayoko lang yung feeling ng conciousness [at kahihiyan na din] na dulot ng mga sumusunod: (1) magka-run yung stockings habang pakendeng-kendeng ka sa kalsada (2) pag-gogoma ng stockings sa hita na parang medyas na lawlaw (3) o kaya naman itupi ang dulo at lagyan ng coins pang lock kagaya sa nakikita ko sa teacher ko ng elementary.
Hindi ko pa kasi maassociate ang stocking sa glamour noon dahil na din siguro nakikita ko din siyang ginagamit sa bank robbery sa pinoy action movies noon. Hindi ba traumatic naman yung ma-imagine mong kamukha ng hita mo yung mukha ng mga goons. Ewww. Buti na lang hindi na ang pag-iistocking ang simbolo ng pag-oopisina ngayon kundi malamang nagtatanim na lang ako ng ampalaya sa bakuran naming sementado.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
xG
on August 30th, 2008
gusto ko rin ang nakastockings
ang sarap kasi himasin
hahahaha
at mas maganda ang napapagod
dahil may ginagawa
pero nakakatakot
yung hita ko kamukha ng goons
hahahaha
xGs last blog post..alamat ng TWSD
replytsina