restrictions?
As usual busy na naman ang byuti ko - busy kakatanga sa computer sa pag-iisip ng maitatalak ko dito. Ang totoo kaya hirap na hirap ako gumawa ng entry yun ay dahil sa naging limitado na lang ang pwede kong isulat hindi dahil sa mas lumiit pa ang utak ko kundi dahil sa mga taong nakakaalam na ng blogtsinang ito, at dahil sa kanila ilang beses ko ng pinagbalakang isara itong bahay cum tindahan ko. Pero naisip ko hindi ako si jojitah para lang maloka sa mga taong ang mga utak ay de remote.
Ok you put one plus one together at alam niyo na kung ano-ano ang mga bagay na hindi ko na isinishare ngayon. Hay. Hindi na ata bagay ang SPONTANEITY na title ng blog na ito. Sa totoo lang pakiramdam ko pinipigilan akong sabihin at i-express ang mga gusto ko dahil sa mga RESTRICTIONS na ako na mismo ang nag-set. Parang bang taeng-tae ka pero wala kang mahanapan ng kubeta. Ganun!
E bakit ko nga ba ginagawa ito sa sarili ko, e wala naman akong balak tumakbong baranggay tanod sa susunod na eleksiyon at hindi ko din naman balak maging Miss Congeneality sa Little Miss Bulihan no. Ayoko lang ng sakit ng ulo. Pero ano nga ba ang napapala ko, sakit ng ulo pa din. I wanted world peace pero tuloy [at lumala] pa din ang giyera sa Mindanao. Eeekk! Anong konek?
O sige simula ngayon wala na ang RESTRICTIONS na yan kesehodang ipabaril ako sa kubeta o mawalan ng trabaho [uy hint yun ha!]. Ok fine enough of this very senseless ranting. Iintindihin ko na lang kung paano ko aayusin ang buhay blogging ko. Hindi naman nagblog lang ako para kumita, mas maganda sanang magblog para sumaya at kumita. ![]()

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
dhey
on August 22nd, 2008
can i get a halleluiah!?
same here, jie… tsk, tsk… hay pagba-blog…
dheys last blog post..“you make cardboard look cute”
replytsina