usapang tsugihan

Kagabi naranansan ko na naman yung hindi ko maigalaw ang napaka-sexy [ching lang!] kong katawan at pinilit kong magising dahil any moment nararamdaman kong baka hindi na ako magising EVER. Hindi naman madalas mangyari sa akin yun pero sobrang nakakapraning tuwing magigising ka galing sa isang insidenteng akala mo ay hindi ka na magigising.

E paano na nga kung hindi na ako nagising? Given na yung mababawasan ang maganda sa mundong ito at given na din yung may iiyak at magluluksa dahil hindi naman ako parang isang surot lang na bigla na lang sumulpot sa mother earth. Ang gusto kong malaman ay kung ilan ang magpa-party at magpapamisa ng pasasalamat pag natsugi ang kagandahan ko?

Ang pangit isipin no, pero curious ako kung madami ba sila na parang may fireworks display celebration na magaganap sa araw ng libing ko. Isang magandang pagmumuni-muni ito hindi ba? Hindi yung ang bibilangin lang natin kung ilan ang malulungkot at magluluksa, pwede din natin ire-asses ang buhay natin sa kung ilan ang taong magsasaya pag nawala ka.

Narealize ko naman after ng nangyari sa akin kagabi na hindi pala ako aware kung madami ang namumuhi sa kagandahan ko. Hmmm.. Gawan ko kaya ito ng thesis? Lol! A ewan. Hindi ko pa naman alam kung anong mangyayari sa’kin pag nadedboltsina ako – kung magiging anghel, engkantada o diyosa. Nyahahaha! Mahaba pa ang buhay ko hindi pa matagal pa mangyayari yun, sa ngayon pagtiyatiyagaan ko munang maging DIVA.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

7 Comments

kulotNo Gravatar Unknow Unknow  on August 14th, 2008



malamang ang susunod na post dito e suicide note hehehe!

joke lang

kulots last blog post..Breanne’s First Steps

replytsina

jenNo Gravatar Unknow Unknow  on August 14th, 2008



kalokah ito mare,di pwedeng mabawasan ang maganda sa mundo, unti na nga lang tayo eh! hehehehe

jens last blog post..Havaianas vs. Spartan

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2008



oi! oi! oi! don’t say bad words. hahaha!

Jojitahs last blog post..at last! tag!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2008



plangak!!! pasok ka sa banga diyan mare!!! lol!

Jojitahs last blog post..at last! tag!

replytsina

myleneNo Gravatar Unknow Unknow  on August 20th, 2008



npanood mo ba un movie ni ai-ai parang ganyang eksena… un namatay siya nagdiwang mga neybors nya…

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on August 20th, 2008



ay oo! hahahaha! ano nga ba ang title nun. Yung kina Bong Revilla yun diba? hahahaha!

replytsina

mitchieNo Gravatar Unknow Unknow  on August 30th, 2008



haller! pinsan ako ni malen–http://www.mynosebleed.com…ala lang.. ang cute naman ng blog mo… may sense of humor! =p nice to meet you…..

replytsina

Leave a Comment