f-o-c-u-s

I’d been neglecting my blogging duties nitong mga nakaraaang araw. As usual sabog na naman ang utak kong hindi kalakihan. Ewan ko ba, hindi yata gana ang wala ako. FOCUS. Yan ang wala ako ngayon. I am out of focus. Focus na hindi ko alam kung saan ko pupulutin, at kung ito man ay nabibili patay kang diva ka!

Andami kong ideas sa utak. Oo, bumalik na ang mga nawawalang ideas sa u-tak ko, unfortunately focus naman ang tinakasan ako. How malas can I get! Wiz ko naman feel na habang buhay maging ganito. Yung ever na parang naglalakad sa kaparangang walang damo at naghahanap ng kabayo [ngak! Ano yun?].

Alam niyo bang I am planning an online business? Siyempre hindi, dahil ngayon ko lang sinabi eh. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero madaming ideas sa u-tak ko, hindi nga lang talaga ako maka-focus. Alam niyo na kailangan kumayod ang diva, para naman makapag-asawa na’ko no! Hindi naman sa hindi ako kayang buhayin ng manong ko, on the contrary papalamunin ako ni manong ng gintong bigas balang araw pero siyempre may mga luho akong nahihiya/mahihiya naman akong hingiin sa future boy toy hubby ko katulad ng kung ano-anong kakikayan, bukod din naman sa madami pang kailangan isettle na finances. Obvious ba na minamadali ko ang pagkakamal ng limpak-limpak na salapi? E gusto ko na talaga mag-asawa no. Kahit mangilo kayo hindi ako mangingiming ulit-ulitin.

Bukod sa online business madami din akong plano para kumita ng extra. Nag-iisip pa din ako ng magandang sideline. O diba, paano pa gagana ang utak ko e mababa lang ang RAM [hindi ito yung pork and beans ha!] nito ayan nagha-hang tuloy sa dami ng ideas na sunod-sunod na pumapasok.

O siya, wish ko lang magawa ko lahat ng gusto kong gawin. Para naman may ma-achieve naman ako bago matapos ang taon na ito o kaya bago man lang ako mag-asawa. Yiheeee!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

2 Comments

FitzNo Gravatar Unknow Unknow  on June 20th, 2008



Pag sabaw ang utak ko at hindi ko alam ang gagawin… kumukuha lang ako ng notebook at sinusulat ko lahat ng gusto kong gawin. After that, mas madali nang lagyan ng number ang listahan at maayos kung ano nga bang dapat unahin sa mga bagay-bagay. Try mo daw, baka epektib sayo. Gudlak!

“Pasok pera, pasok pera!” - yan dapat ang mantra para yumaman. Hehe. Power of attraction. :D
Fitz’s last blog post..Why Are Filipinos So Poor?

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on June 21st, 2008



sige try ko yan ever. siyempre bibili muna ako ng notebook no. lol! kaya yata ako di yayaman para akong tanga. hahahaha!

replytsina

Leave a Comment