magnanakaw!!!

Sa totoo lang hindi ko alam kung matatawa ako o matatae sa inis dahil nadiskubre kong may gumagamit ng identity ko dito sa sanblogospheran. Hindi ko alam kung ano ang motibo nung taong yun para gamitin niya ang identity ko.

Ganito kasi yan. Ugali ko na kasi icheck ai bisitahin ang mga link backs/referrer o kung ano ang tawag dun [baka mali tawag ko]. Basta eto yun.

 

 

At na-shock ang byuti kong oily na dinala ako sa blog na noon ko lang nakita pero may comment ako. Nag-isip ako ng mabuti na halos sumakit na ang ulo ko sa kakaisip kung nadaan ako sa blog na ito at nag-iwan ng comment. Kahit may sintomas na ako ng memory gap talagang hindi ko matandaang AKO YUN. Sa mga nakakakilala sa’kin alam nila hindi ako yun. Dahil:

(1) jojitah ang ginagamit kong pangalan sa pagko-comment

(2) kahit kelan hindi ako nagcomment ng maanghang. Kung wala akong sasabihing maganda hindi na lang ako nagsasalita, pwera na lang kung kabalahuraaan ko ang isang blogger

(3) bakla ako, hindi baklang galit sa emo.

Matagal-tagal na din ang May 13 kaya hindi ko alam kung meron pang ibang inikutan ang herodes na magnanakaw ng identity.Hindi ko alam kung mapu-frustrate ako sa nangyaring ito. Kiber at keri na lang sana pero hindi ko din talaga maiiwasang mainis. Di bale ng nakawin ang panty ko huwag lang ang identity ko. Alam ko walang kuwartang mananakaw sa’kin, pero utang na labas naman! Huwag na ang kakapirasong identity ko dito sa sanblogospheran.

Para sa’yong magnanakaw ng identity ko. Basahin mo itong mabuti. Yung mabuting-mabuti. Basahin mo ng 100x.

Kung FAN kita. Hindi ako natutuwa sa pagpapakita mo ng admiration. Pauunlakan kita ng autograph sa pwet kung yun ang makakapagpasaya sa’yo. Huwag lang ganito. Madami na akong stress na pinagdadaanan sa buhay, kulang na lang makalbo ako mula ulo hanggang paa, please naman huwag ka ng dumagdag. Dahil kung para sa’yo maliit na bagay lang ito. Sa akin HINDI.

Kung ikaw naman ay DETRACTOR ko. Hindi mo na’ko masisira dahil sira na ang ulo ko. Kung bored ka sa buhay at ako ang napagdiskitahan mong bwisitin may tatlo akong suggestion para naman lumipas ang oras mo.

(1) Bunutin mo isa-isa ang buhok mo sa ulo hangganng maubos.

(2) Mag-jogging ka mula Batanes hanggang Basilan.

(3) Makipagchummy-chummy sa mga pating sa karagatan.

Kung nagiguilty na ang gumawa nito huwag mo ng tangkaing mag-sorry dahil baka masaktan ko lang ang damdamin mo, tumigil ka na lang sa paraang yun tinatanggap ko ang sorry mo. Kung magiguilty pa lang ang gumawa nito, buti nga sa’yo! Hindi ka sana makatulog ng 50years! Huwag mo na ding tangkaing mag-sorry, just stop. Yun lang. At kung ang gumawa nito ay hindi makokonsensiya, tubuan ka sana ng pigsa sa singit. 50 pigsa sabay-sabay magputukan.

Period.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

10 Comments

chuvanessNo Gravatar Unknow Unknow  on June 8th, 2008



wowww! only means sikat ka na neng!! may detractor ka hahaha…teka check ko nga baka may fake friendster o myspace ka na hahahahaha

chuvaness’s last blog post..Friends are friends forever!

replytsina

linglingbellsNo Gravatar Unknow Unknow  on June 9th, 2008



kawawa naman yung taong yun, magkakaroon ng 50 pigsa na sabay-sabay na puputok!!!

hmm.. tama nga si chuvaness, sikat ka na talagang tunay! :D
linglingbells’s last blog post..buhay boarding-house part two

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on June 9th, 2008



sorry na po. patawad po talaga! bwahahahaha!

oist di ako yun ha!

vaklaaaaaaaaaa! sikat na sikat ka na talaga. imadyin….ninanakawan ka na! hala! si manong delikado at baka malito eh mapunta dun sa impostor mo. wahihi!

MARU’s last blog post..Efren Kong Alien

replytsina

KotsengkubaNo Gravatar Unknow Unknow  on June 9th, 2008



pakisabi nga sa kanya gamitin naman nya ang identity ko. pero dun lang sa mga do-follows blogs. hahaha, kahit awayin nya pa lahat ng bloggers maging PR10 lang ako. hahaha ;-)
wala ka pa daw kaseng sponsored post na identity theft. hahaha :))

Kotsengkuba’s last blog post..As bushy as a beast

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on June 10th, 2008



ganun ba yun? hahahahaha! ang alam ko kasi pag sikat nalilibre na sa mga restawran. hahahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on June 10th, 2008



bagay lang sa kanya yun no. hehehe.

hindi no. wala lang talaga magawa sa buhay ang taong yun. >:-/

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on June 10th, 2008



babatuhin na sana kita ng dinamita, akala ko nga ikaw. lololololols!

hindi ako sikat no. ampft!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on June 10th, 2008



hbc!!!! kumusta na ang china? i’m sure china pa din. hahahaha!

ay naku akala mo lang cute pero hindi no. pramis. pero kung pr10 na ang usapan baka sakaling kumalma na’ko. hahahaha.

replytsina

pusaNo Gravatar Unknow Unknow  on June 10th, 2008



sana nga tubuan ng pigsa!!!! aw singkwenta pigsa bwahahahaha
iba na ang sikat na jojitah!!!

pusa’s last blog post..happy birthday chelsea

replytsina

reyna elenaNo Gravatar Unknow Unknow  on June 11th, 2008



HAHAHA!!! SILIBERTY KA NA ATENG! ninanakaw na ang personalidad mo! HAHAHA CONRATSSS!

replytsina

Leave a Comment