diet and itlogs
Dahil pakiramdam ko madami na ang nasusuka sa katabaan ko balik “OPERATION DIET: EVER EVER VERSION” ang byuti kong mukhang nagmamaliw na. Hindi ko naman itinatangging lumobo talga ako ngayon. Mas mabilis pa ata sa paglobo ng mga lobong inilolobo para ilako sa Luneta.
Oh well, sana naman pumayat na’ko. Sisikapin ko ng buong puso, isip at katawan. Wish ko nga kaya ng bulsa ko ang Southbeach Diet. Pero noodle-style diet at itlog-style diet lang ang kaya ng kaaba-abang diva. Ok na din yun para nag-dadiet din ang bulsa ko. Hitting two elephants in one big stone ang drama ko nito. Bakit ba kasi naimbento pa ang salitang SEXY.
Speaking ever ng itlog-style diet. Sasamantalahin ko na din ang pagkakataon na idisplay ang mga itlog kong tinattoo-an ko. Lol!

For sale din yang mga yan, suporta sa pag-dadiet ko ang kikitain ko sa mga tattooed itlogs na yan. O kung sinong gustong bumili email niyo lang ako. $1 each only. Tapat na. Accepting payments thru paypal.
*pasensiya na at .25 megapixel na camera lang ang gamit ko pagkuha sa mga itlog. Itlog pa din naman yan at hindi magiging sisiw kahit 8 megapixel pa ang gamitin kong camera. Echos!
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
chuvaness
on June 2nd, 2008
hahahha
at talagang kinarir mo ang mga itlog na yan mare ahhahah…kulang…lagyan mo ng curlers!!! hahahha
chuvaness’s last blog post..Ang Buhay ay parang Blog…
replytsina