am bored but not judging
Nanganganay na akong gumawa ng post. Feeling ko balik ang pagka-virgin ko sa pagbablog. Echos! Hay naku… Kung alam niyo lang na roller-coaster ride dinadaanan ng emosyon ko nitong mga nakaraang araw. Pero wiz ko na type mag-drama dahil madami ng madrama ever, ayoko ng maakusahang umeeksena. Pero subalit datapwat I am putting a happy smile on my very pretty but chubbly [chubby + oily] face dahil kahit binabalahura minsan ang emosyon ko ay biniyayaan ako ng size 30 na waistline. Ang mag-react bubunutan ko ng buhok sa ilong! Lol!
Dahil naghihilik ang pwet ng manong ko sa mga oras na ito kaya eto ako bored to the max dahil wala akong makulit-kulit. Ang kagandahan lang pag bored ako minsan gumagana ang pagkamahadera ko. Ewan ko ba. Parang mas maganda pa yata na bored ako kasi parang mas may papakinabangan ako sa mga naiisip ko.
Katulad nito:
- Kung dati naiinis ako sa mga naka-private ang status ng profile ng mga kung sino-sinong mahadera sa friendster, ngayon nauunawan ko na kung bakit. Nagkalat ang manyakol sa friendster! Mag-post ka lang ng piktyores na nakalabas ang 1/64 ng dila mo uulanin na kaagad ng mga pornographic [oh my gas! I’m so politically polite!] comments. Hindi ko din naman masisi ang mga manyakol, madami din naman kasi ang hobby ang pagpapakita ng mga goiters nila - in all forms and sizes. Minsan hindi nga lang goiter, pinapasilip din pati yung mga froggy from down under.
- Sabi nila pag may gusto ka daw na isang bagay gamitin mo lang ang power ng u-tak mo at paulit-ulit mong isipin na mangyayari o matutupad yun. E paano kung ipopost mo pa dito sa blogtsina, matutupad na talaga kasi join force na ng mind power at blog power? Oo na, korni. Gusto ko pa ding subukan. Gusto ko ng digicam. Gusto ko ng digicam. Magkakaroon ako ng digicam. Magkakaroon ako ng digicam. May magbibigay ng digicam. May magbibigay ng digicam. Piso lang ang digicam. Piso lang ang digicam.
- Gusto ko magpa-tweetums. Yung pa-tweetums na nakakasuka. Wala lang gusto ko lang mambwisit ng mga tao. For a change, sila naman ang mabwisit sa’kin kesa sa ako ang nabwibwisit sa kanila. Eeeeewwww… Like, duh!? Teka, ano ba ang ibig sabihin ng tweetums? Whatev girl! lol!
- “I’m not judging.” Yan ang trip na trip kong dialogue ngayon. Napulot ko sa kaadikan ko sa Grey’s Anatomy. Wala lang. Ang kewl lang pakinggan, pero I’m judgemental [lahat tayo in some ways or another, huwag kayong mapagpanggap no!] kaya ka-echosan lang pag sinasabi ko ang sentence na yan.
- Napagtanto ko na wala kaming matinong kamag-anak. Okay mangilan-ngilan lang just to be fair. Naiinggit ako sa may mga kamag-anak na mga “mabubuting tao” kung ano man ang ibig sabihin nun, basta ang alam ko ang root word nun mabuti. Ang mga kamag-anak ko kung hindi mayayaman feeling mayaman, kung hindi mga matapobre mga nag-aastang matapobre, kung hindi mayabang na magaganda mga nagfifeeling maganda. Ampft! Kaya kung may nakikita kayong kapintasan sa’kin sisihin niyo ang dugong nananalantay sa’kin.
- Gusto ko ng mag-asawa period!
Yun lang! I’m bored and I’m not judging. Echos!

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
pusa
on May 28th, 2008
yey my jojitah is back!!! anuman ang mga dusa at sakit na pinagdadaanan mo ngayon malalagpasan mo rin yan mare
sasamahan kita - piso na lang nag digicam, piso na lang ang digicam, piso na lang ang SLR, piso na lang ang SLR
pusa’s last blog post..save the children
replytsina