summer lakwatsa

Summer is almost over at ang linsiyak na summer happenings ko ay ngayon ko lang ipopost. What’s up with my laziness? C’mon! Lol!

Bago ang lahat hindi ako nag-two-piece galore. Sa mga nag-abang sorry to disappoint you guys dahil hindi pa ako nakakapag-igib ng balde-baldeng lakas ng loob kaya hindi ko pa natupad ang pangarap ko. Mukhang sa harap na lang ni manong talaga ako makakapag-two-piece. Landeee!!!! Lol!

Nagcompany outing kasi last last week. Hindi naman siya poshy poshy. Keri lang. Masaya din dahil bagong experience sa’kin. First time ko kaya tumalon sa tulay. Echos lang! Walang talunan sa tulay na naganap, pakikipagbuno lang sa bato ang nangyari.

Nagpunta kami sa Taytay Falls sa Majayjay Laguna. Pers time ko makakita ng falls at manghang-mangha na ko. Mababaw lang kasi ako. I love nature! Hindi lang masyadong halata. Lol!

O diba nagbeblend ang suot ko sa nature. Charing! Pero siyempre I want to make palakpak myself for those stunts na nakayanan ko. Isa po akong lampa, kaya para makayanan ang makipagbuno sa mga bato ay isa ng malaking achievement para sa kin.

Gosh! I don’t have a poise pala. Lol! Ok lang at least masasabi ko na ngayong I ROCKED!

Siyempre hindi naman sasaya ang outing kung wala ang mga pagmumukhang araw-araw kong nakikita sa opisina at for a change nakita ko ang mga pagmumukha nila sa ilalim ng sinag ng araw.

Sana sa susunod na summer sa Boracay naman.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

2 Comments

veraNo Gravatar Unknow Unknow  on May 17th, 2008



sarap buhay! buti ka nga kahit man lang fresh water ay nakapagtampisaw… may bagyo na nga ngayon at hindi parin ako nakakatapak sa beach o kahit ilog man lang sa probinsya namin. huhu

vera’s last blog post..domestic help

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on May 18th, 2008



ay naku kung hindi pa sa company outing no. hahahaha!

replytsina

Leave a Comment