blog rolling
I am sick.. I am sick to the bones.. Baldado ang diva dahil sa sandamakmak na plema at dalawang araw na akong absent. Ni hindi ako makatagal sa harap ng computer, sumasakit agad ang aking byutiful head pero ngayon itatry ko with all my might na mag-update sa blogtsinang itech.
I’ll be updating my blogroll soon. Soon meaning mamaya. Lol! Madami na kasing deadlinks sa blogroll ko at madami na din sa blogroll ko ang medyo hindi ko na knows ang trip. Di ko na ma-dig. Madami na din sa blogroll ko ang hindi na din nakakaalala at yung iba binura na din ako sa blogroll nila. Yung iba naman – wala lang… Hindi ko din naman nagagawa ang duty ko as a byutiful blogger na magbloghop, makihalubilo at magkomento at hindi din naman ako nagi-guilty dahil dun kahit na rules yun dito sa sanblogospheran. Keri lang. Kaya siguro tama lang na mas bigyan ko ng espasyo ang mga bloggers na “nandiyan” lang mawala man ako pansamantala at magbalik, ang mga bloggers na bumabalik-balik kahit na sandamakmak na paid post lang ang nadadatnan nila dito, ang mga bloggers na sobrang warm pa rin sakin kahit anong topak ko. Hindi ko naibabalik ang warmness na binibigay nila pero andiyan pa din sila.
Hindi ako nagmamaganda, dahil wala akong karapatang magmaganda. Gusto ko lang magsimula ulit. At sisimulan ko yun sa blogroll ko. Kung may magugulat at magagalit at magtataas ang kilay dahil sa pagkakatanggal ninyo sa blogroll ko. Well keri lang sakin.
Sa mga lurkers alam ko kahit papano meron, salamat. If you wish to have your name on my blogroll all you have to do is ASK politely with matching leaving leaving ever a comment. Gagapangin ko din ang mga sites ninyo deers dears.
Total renovation ang gagawin ko sa blogroll ko kaya abangan niyo na lang. One step at a time mode muna ang drama ng sakiting diva.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
menggay
on May 16th, 2008
ateng!!!musta po??
miss na kita pagaling ka!!! muah!!!! muah!!!
tumawag si hanah sabi ko maysakit ka…..
menggay’s last blog post..poOteK!!!!
replytsina