maders day

Hindi ko alam kung mapupuri o masasabunutan ako ng nanay ko sa entry na ito dahil tribute ko sa kanya ito dahil op kors maders day. Pero nagmumukha namang panglaman siya dito sa blog kong naghihingalo sa unique post.

Yun na nga maders day ngayon. Hindi ako lumaki na big deal ang maders day kaya hindi ko alam kung paano ako magpupugay sa babaitang umire-ire para magkaron ng diva sa mundong ito. Pero alam ko namang kinikilig-kilig ang pwet ng nanay ko pag binabati namin siya tuwing maders day, hindi niya lang pinapahalata.

Wala pa akong alam sa pagiging nanay. Theoretically siguro kasi technically hindi pa naman ako nanay. Pero kung ang nanay ko ang titingnan, ang pagiging nanay ever ay madaming aspeto, levels at nageevolve din sa paglipas ng panahon. Amazing. Siguro ang pagiging ina na ang pinaka-noble na profession sa buong mundo. Hindi ko nga alam kung magiging isa akong mabuting nanay balang araw. Pangarap ko yun e. Wish ko lang kaya ko, gaya ng nakayanan ng nanay ko.

Happy Mother’s Day Violeta! At dahil lab kita gagawin kitang mail order bride. Lol!

Name: Violeta

Nickname: Violy, Vio, beeyule

Height: 5’4”

Weight: Featherweight division

Age: Never mind

Sa mga nagagandahan sa nanay ko na forenjer na obviously hindi naiintindihan ang pinagsasabi ko ngayon dahil obviously ulit na isa lang ito sa kaechosan ko. Email me your resume with matching cash or paypal donation. Lol! Joke lang… Baka batukan ako ng tatay kong nananahinik na sa kabilang buhay.

O heniway, Happy Mother’s Day din sa lahat ng Nanays, expectant nanays, future nanays, feeling nanays at wishing nanays.

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

8 Comments

$20 Worth of Reaction: J’Attendrai Le Suivant (I’ll Wait for the Next One) « Coffee With Arsenic Unknow Unknow  on May 11th, 2008



[...] Jojitah, Jovie, Kengkay, Reyna Elena, Manilenya, Blue Panjeet, Bakla [...]

veraNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



taena, nilalanggam ang comments mo!! woohoo!

vera’s last blog post..summation

replytsina

menggayNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



hahaha!!!

ang tamis tamis ng comment ni manong kaka kiliG!!! :)
menggay’s last blog post..A day at Manila Zoo

replytsina

linglingbellsNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



kamukha mo nanay mo! malamang, nanay mo siya eh.. haha!! hapi mother’s day sa mama mo! :D
linglingbells’s last blog post..wala lang, napansin ko lang…

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



hahahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



bakit puro comment ni manong ang napapansin niyo?! hahahahaha! menggay lande!!! hahahahahaha!

replytsina

JojitahNo Gravatar Unknow Unknow  on May 12th, 2008



lingling!!!! nanalo ka sa palaisipan eklavu ko!!! congratulations!!!

replytsina

rhapsodyNo Gravatar Unknow Unknow  on May 14th, 2008



natuwa naman ako kasi naman kamukha kamukhamo tlga si madir. nakikita ko na ang image mo pagdating sa age na yan.

rhapsody’s last blog post..20 USD

replytsina

Leave a Comment