halo-halo na palabok pa!
Sa wakas! May social life na ako! Wiz ko na sabihin kung saan ako maglalamiyerda ngayong weekend, isosopresa ko na lang kayo ever. Yey! Makakalanghap ako ng ibang hangin. Yahhhhoooo! Hep! Hindi ako magha-hiatus chovarloo. Lalanghap lang ako ng ibang hangin, yung hanging madaming vetsin. Echos! Promise ko ang madaming piktyores! Excited talaga ko puro ako exclamation point!
~~~~~~
Naaalala niyo ba si utoy? Ang baby brother ko that no longer a baby. Naghahasik na ng lagim sa sanblogospheran. Pag di kayo busy ever hayaan niyo munang aliwin kayo ni marjohn aka mardito sa kanyang kakornihan kung ano-anong wala lang. Proxy muna siya sakin sa mga kalokahan ko. Lol!
~~~~~~
Sino ba ang dapat kong sisihin sa walang kamatayang peace sign na ito sa piktyores!? Ang Hapon ba o ang Koreano? Natanggap ko na, na para masabi mong you lived your life to the fullest kailangan meron ka kahit isang litrato na naka-peace sign.

~~~~~~
Happy Birthday sa sisterette 1 ko! May she find what she’s been hiding for all these years. Lol! Tandaan… Nagchip-in ako dong! Hahahaha!
~~~~~~
Sa mga nagrerequest ng exchange links huwag kayong magtampo kung hindi niyo pa nakikita ang inyong blogtsina sa aking blogroll. Hindi pa ako nakakapag-update. Wag na magreklamo at mainip kasi yung trabaho ko nga sa opisina hindi pa nga din updated e blogroll ko pa. Lol! Just wait ever ok? Kinukuha ko naman ang mga patuka ninyo.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
kengkay
on May 2nd, 2008
magagamit mo na ba ang iyong two piecesses? hay, tama ka, si mardito ang proxy mo, haaha. at happy birthday sa sisterette!
kengkay’s last blog post..Vatertag = Father’s Day = Inuman
replytsina